Napaka-convenient na ng mga paraan ngayon to send money sa ating mga mahal sa buhay. Nariyan na ang mga remittance app, e-wallet at ang mga traditional na remittance center na kahit saan ka tumingin ay may Palawan Pawnshop at Palawan Express Pera Padala branch sa paligid mo.
Pero dahil digital na ang buhay natin ngayon, mas napadali na ang pagpapadala natin ng pera dahil pwedeng-pwede na kahit nasa bahay ka lang gamit ang smartphone mo habang pakape-kape ka at nanonood ng paborito mong K-Drama.
Narito na at kasama na natin sa ating remittance needs ang PalawanPay app! At ang latest chika ay bago din daw ang user interface nito kaya sobrang stress-free gamitin!
Pero ano nga ba ang PalawanPay?
Ang PalawanPay ay isang e-wallet app and a digital payment service kung saan pwede kang maka-receive at mag-send ng pera, magbayad ng bills, mag-checkout gamit ang QRPH codes, bumili ng load, at marami pang iba! Approved and regulated pa ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas!
Isa ang PalawanPay sa mga convenient and secure way to transfer funds sa ating mga kaibigan, family, or sa business natin. To get started, here’s a complete guide on how you can send money online using your PalawanPay e-wallet account. Pramis, madali lang ‘to!
Step 1: Create a PalawanPay account
Of course, need mo muna magkaroon ng PalawanPay account para makapag-transact ka. Ang PalawanPay app ay available for download on Google Play at the App Store. Once installed, register to set up an account.
Step 2: Add funds to your e-wallet
Before you can send money using PalawanPay, siyempre need mo muna mag-deposit ng funds o mag-cash in sa inyong account.
Maraming paraan para makapag-add ka ng cash. Pwede kang mag-transfer ng pera from a bank account or another e-wallet. Maaari ka ring padalhan ng funds ng ibang PalawanPay users via QRPH code or mobile number.
Kung gusto mong mag-cash in gamit ang physical cash, pwede kang pumunta sa Palawan Pawnshop or Palawan Express Pera Padala. Lampas 5,000 na branches at authorized agents of Palawan Pawnshop Group sa buong Pilipinas. Kaya most likely mayroong malapit sa’yo.
Once may laman na ang e-wallet mo, proceed to the next step!
Step 3: Determine the recipient and the amount
Pindutin mo lang ang Send Money and piliin mo lang kung saan ka magpapadala. Pwedeng sa kapwa PalawanPay user mo, sa ibang e-wallet or bangko, o sa isang Palawan Express branch.
Then, ilagay mo kung magkano ang gusto mong ipadala. Fill in the necessary fields at siguraduhin mo tama ang lahat ng details bago mo i-click ang Confirm. The app will ask you to enter your Quick Pin o QPIN para makumpleto ang transaction. Syempre dapat siguradong ikaw ang nagpapadala!
Step 4: Notify the recipient
I-inform mo si receiver na nakapagpadala ka na. Sabihin mo rin na makakatanggap siya ng SMS that the money has been sent to them. Siguradong ma-e-excite ‘yun!
Yun na! Tapos na ang funds transfer mo! Ang dali lang, di ba? Kaya ano pang hinihintay mo, Suki? Gumamit na ng PalawanPay at nang makapag-send ka na ng cash ng walang kuskos-balungos at che-che-bureche!