PALAWANPAY
SUMMARIZED TERMS AND CONDITIONS

Ang mga Terms and Conditions na makikita at mababasa rito ay magiging applicable at effective sa lahat ng products and services ng PalawanPay simula July 2021.

Thanks for choosing PalawanPay! Bago i-click ang “I have read and understood the Terms and Conditions declared herein” at mag-register para sa iyong PalawanPay Account, kindly read the foregoing Terms and Conditions (“T&C”).

Huwag kalimutan i-click ang link na ito Terms and Conditions para sa full contents ng T&C.

Kung ang mga T&C ng PalawanPay ay acceptable for you, maaaring i-click ang “I have read and understood the Terms and Conditions declared herein” na makikita bago ituloy ang pag-create ng account. Sa iyong pagtanggap sa nilalaman ng T&C ng PalawanPay, ikaw ay nag-aagree sa lahat ng naka-state dito, pati na rin ang provisions sa ibang mga laws o policies na applicable sa iyong pag-register, tulad ng PalawanPay Acceptable User Policy, na susunurin sa iyong pag-gamit, pag-access, at pag-avail ng products at services ng PalawanPay.

Ang T&C na ito will remain effective from the time ng iyong acceptance hanggang sa ito ay ma-terminate o mapawalang bisa. Ang PalawanPay ay maaaring mag-amend, magmodify, o magrevise ng T&C any time without notice. Ang patuloy na paggamit ng mga products at services ng PalawanPay pagkatapos ng mga amendment at modification signify that you abide by at may intensyon kang patuloy maging bound sa T&C.

Kung magkaroon man ng discrepancy o magkaibang kahulugan sa pagitan ng summarized T&C na ito at ng buong T&C, the complete T&C previously mentioned shall prevail.

Dito sa T&C, ang mga salitang “kami”, “amin”, at “PalawanPay” shall pertain to PPSPEPP Finance Services, Corp. (“PFSC”) o PalawanPay, kasama ang mga director at empleyado nito. Ang PalawanPay ay isang registered na entity at may valid license mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (“BSP”).

 

  1. Sa pagset-up ng iyong PalawanPay Account, you represent na lahat ng information ay totoo at tama. If there are changes to these information, maari mong ipagbigay alam sa amin gamit ang iyong PalawanPay account. We may also require you na i-present ang mga documents proving the changes at ito ay iveverify ng PalawanPay gamit ang KYC verification process. Iyong naiintindihan na hindi pinahihintulutan ng PalawanPay ang pagkakaroon ng multiple accounts na nakaregister sa isang indibidwal. Sa ganitong sitwasyon, hindi papayagan ng system ang registration ng multiple accounts at ang mga naregister na duplicate accounts ay madedeactivate nito. Sa pag-register, you are also representing na ikaw ay nasa wastong edad na eighteen (18) years old. Kung ikaw ay nasa edad 13-17 years old, maaari kang mag-open ng PalawanPay basic account for minors. Ang pag-rehistro ng PalawanPay ay base sa apat (4) na levels ng registration, at ang lahat ng mga impormasyon ay makikita in detailed sa T&C.

  1. Subject to prior notice, maaring i-suspend o i-terminate ng PalawanPay ang iyong PalawanPay Account/Wallet for any reason, including, but not limited to, system errors, duplicate accounts, as it may deem fit under the given circumstances. In the suspension and termination of your PalawanPay Account/Wallet, iyong wine-waive ang anumang rights and claims para sa pinsala, claim, damage, loss, expense, suit o liability mula sa nasabing suspensyon o termination and you also agree to hold free from liability ang PalawanPay at ang kanyang mga affiliates, board of directors, officers at staff nito sa mga nasabing rights and claims.

  1. Ang PalawanPay ay may karapatang i-terminate ang iyong paggamit ng PalawanPay Wallet if the use of the PalawanPay Wallet is unconsented o unauthorized o hindi sumusunod sa mga T&C na nakasaad. Ang PalawanPay ay hindi magbabayad, mananagot o magiging liable sa anumang pinsala, inconvenience, loss, o damage sa nasabing termination.

  1. Ang PalawanPay Wallet ay isang reloadable electronic money instrument that stores Philippine Pesos, na maaaring i-redeem sa face value nito. Ito ay maaaring gamitin sa pagbili ng mga goods at services. Ito ay hindi depository account, which means hindi ito subject sa Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), at hindi mag-earn ng interest o rewards.

  1. Ang PalawanPay ay may karapatang ipatigil, i-restrict, i-delay, o i-hold ang anuman sa iyong mga cash-in or cash-out na transactions sa PalawanPay. Ito ay maaring gawin ng PalawanPay, including, but not limited to, the following:
  1. Mga deceiving, suspicious, o fraudulent na mga transaksyon; o
  2. Kung kakailanganin ang further confirmation na iyong pinahihintulutan ang nasabing transaksyon;

  1. Para sa mga online/internet purchases, transactions at payment of bills, international remittance o Instapay transaction ang PalawanPay ay hindi magbabayad o mananagot sa anumang unauthorized o mga transaksyon na walang consent. Kung ang transaction ay authorized o pinahihintulutan, this is equivalent sa iyong pag-agree na sa terms and conditions ng iyong seller o merchant kabilang na dito ang receipt ng purchased items.

    Ang PalawanPay ay hindi mananagot o magbabayad ng hindi na-deliver, naihatid, o naibigay na mga goods at/o services, defects, damages at after-sales services katulad ng mga goods at/o services, at sa lahat ng mga dispute, claim, or controversies na magaganap sa pagitan ng merchant at ng PalawanPay customer. Sa pagkumpleto ng transaction, you bind yourself sa terms ng merchant sa nasabing transaction.

    Para sa Instapay Transaction, ang PalawanPay ay hindi mananagot kung ang pera ay nai-transfer sa maling recipient dahil sa maling impormasyong na inilagay. Naiintindihan mo na kasama sa iyong responsibilidad na tiyakin na lahat ng information sa iyong transaction ay tama.

  1. Ang PalawanPay Account/Wallets na dormant, o hindi nagamit o hindi aktibo sa loob ng (6) na buwan ng huling paggamit at wala na ding laman, ay pwede ite-terminate o ica-cancel without need of prior notice. Ang dormancy maintenance fees ay nagkakahalaga ng Php 50 kada 30 days, which can be changed or modified by PalawanPay, at its sole discretion.
  1. Ang PalawanPay Wallets na unverified o hindi naging verified sa loob ng (1) taon o (12) na buwan ay maaaring ma-suspend. Magpapadala ang PalawanPay ng reminder sa ika-11 buwan, at kada-linggo ng ika-12 buwan para ipaalam na kailangan i-upgrade ang inyong account. Susundin and Dormany rule kung ang inyong account ay suspended. Ang dormancy maintenance fees ay nagkakahalaga ng Php 50 kada 30 days, which can be changed or modified by PalawanPay, at its sole discretion. Ang suspended na account ay kinakailangan i-verify at gumawa ng transaction para matanggal ang suspension.

  1. PalawanPay has the right para maglagay, mag-set o mag-charge ng mga applicable fees, rates, at iba pang mga charges, kung ito ay naangkop, para sa paggamit ng PalawanPay Account at PalawanPay Services tulad ng, ngunit hindi limitado, sa Instapay, sa Cash-in and Cash-out/Send fees. Maaaring gawin ito sa mga paraang nakalagay sa T&C.You understand na ang PalawanPay ay may right para baguhin o palitan ang mga fees, rates, and other charges para sa paggamit ng PalawanPay Account and PalawanPay Services, anumang oras, with prior notice o paunang abiso bago ang date of effectivity ng changes sa fees, rates, and other charges.

  1. Ang PalawanPay ay hindi mananagot o magbabayad sa kahit anong pinsala, liability, claim, or damages kung ang iyong Account Statements/Transaction History Statements ay mababasa ng third persons, authorized man o hindi.

  1. Maliban na lang kung iyong ire-report, sasabihin o ino-notify ang PalawanPay in writing ng anumang problema o disputes sa loob ng sampung (10) araw mula sa petsa ng nasabing dispute, ang SMS/ Text confirmation messages pagkatapos ng bawat transaksyon at/o mga entries sa iyong Account Statement/ Transaction History Statement ay ipinapalagay na totoo at tama.Kung walang problema o dispute ang naireport sa nasabing period, lahat ng transactions at entries sa Account Statement/Transaction History statement ay ituturing na tama at totoo.

  1. Magbibigay ang PalawanPay ng kabayaran o compensation sa lahat ng eligible unauthorized transactions sa iyong PalawanPay Account, if all the circumstances sa Article 12.1 ng buong T&C o PALAWANPAY CUSTOMER PROTECT PROGRAM ay present at kumpleto.

  1. The right to use PalawanPay Account at PalawanPay Services ay automatically na ikakansela o ite-terminate kung ang Account User o Owner na ito ay: (a) hindi sumusunod sa T&C ng PalawanPay; (b) proven na may fraudulent o suspicious transaction sa paggamit ng PalawanPay Account at Services; (c) may dormant PalawanPay Account o walang monetary transaction sa loob ng (6) na buwan mula sa date ng last transaction, at may zero (0) balance; or (d) ang account holder ay namatay o naging insolvent o walang pambayad.

  1. PalawanPay does not warrant, express or implied, any matter ukol sa mga functionalities ng PalawanPay Services.Ang PalawanPay ay walang hinahayag na warranty: (1) sa content, quality or accuracy ng data o impormasyong ibinigay ng PalawanPay dito, o mga information sent or received gamit ang PalawanPay Services; (2) sa mga products at services na nakuha gamit ang PalawanPay Services; (3) sa pagiging usable ng PalawanPay Services at absence ng mga system errors at iba pang temporary causes ng inability to use; o (4) anumang information na makukuha.

  1. Ang PalawanPay ay hindi mananagot o magbabayad ng kahit anong pinsala, loss, cost, compensation, damage or liability sa iyo o sinumang tao na nagmula sa, o bilang result ng anuman o lahat ng mga pangyayaring nakasaad sa Article 14.3 ng buong T&C.

  1. Ang PalawanPay ay may karapatang i-suspend, i-terminate, o i-block ang iyong PalawanPay Account if there is a well-founded reason na nagpapatunay na ito ay ginamit o ginagamit sa anumang deceiving, suspicious, o fraudulent transactions, o anumang unauthorized use nito.Iyong nauunawaan na ang PalawanPay ay hindi magbabayad o mananagot sa anumang consequences o maaaring mangyari sa nasabing suspension o pag-block. Ang access ng customer sa isang deactivated account ay hindi pahihintulutan sa loob ng 30 araw o depende sa rekomendasyon ng PalawanPay’s Risk and Fraud Department.

  1. Aalagaan ng PalawanPay ang lahat ng files at information ng lahat ng Customers, Users, or Account Holders. Matatagpuan ang Data Privacy provisions para sa paggamit ng PalawanPay sa buong T&C.Sa pamamagitan ng pagbibigay ng iyong information para sa use, pag-access, o pag-avail ng PalawanPay Account and PalawanPay Services, iyong pinahihintulutan ang PalawanPay to process your customer data na iyong ibinigay, for any relevant cause.

  1. Bilang kundisyon sa paggamit ng PalawanPay Account and PalawanPay Services, iyong pinapayagan at pinahihintulutan ang PalawanPay to keep, process, exchange, disclose, o ilabas ang mga nasabing information sa kanyang mga associates, affiliates, subsidiaries, officers, employees, agents, lawyers and other consultants, pre-paid/debit/credit bureaus or any similarly situated and relevant persons/individuals, o if provided for by law, o para sa mga similar activities na kabilang ngunit hindi limitado sa mga nakasaad sa Article 17.2 ng T&C.

  1. You likewise allow PalawanPay, ang kanyang mga subsidiaries, affiliates at/o kung sinumang tao, partner o kumpanyang may kontrata sa PalawanPay to collect and process ang anuman at lahat ng impormasyong tungkol sayo upang maisagawa ang mga operasyon ng PalawanPay to provide goods and deliver services.

  1. You likewise allow PalawanPay, ang kanyang mga subsidiaries, affiliates at/o kung sinumang tao, partner o kumpanyang may kontrata sa PalawanPay sa paglabas o pagrelease ng anuman o lahat ng information na hinihingi ng PalawanPay.

  1. You likewise allow PalawanPay, ang kanyang mga subsidiaries, affiliates at/o kung sinumang tao, partner o kumpanyang may kontrata sa PalawanPay na ishare ang iyong mga PalawanPay details at information sa PalawanPay’s remittance partners to develop the PalawanPay operations, at in compliance sa mga local and international anti-money laundering protocols.

  1. Kung may mga problema o dispute na kinailanganin ng action o anumang action sa korte sa parte ng o laban sa PalawanPay, ang venue ng mga nasabing aksyon ay ekslusibo at maaari lamang i-file sa Puerto Princesa, Palawan, to the exclusion of all other courts.Kung mayroon mang action na maaaring i-file laban sa PalawanPay o PFSC, ikaw ay naga-agree at tinatanggap na ang aming liability ay hindi lalagpas sa Two Thousand Pesos (Php2,000.00), o ang amount ng actual damages, whichever is lower.

  1. Anumang pagkukulang, pagkakaantala o failure ng PalawanPay na gamitin o ipaglaban ang mga karapatan o remedies nito na nakasaad sa T&C ay hindi isang waiver o release ng rights.Ang waiver ay magiging valid lamang kapag ito ay in written form at signed ng PalawanPay at ng PalawanPay Account Holder.

  1. Kung may isang term o condition sa Kasunduan o Agreement na ito ang magiging void, illegal o unenforceable sa ilalim ng anumang batas, ang validity, legality at enforceability ng mga natitirang terms at conditions ay hindi maapektuhan at mananatiling valid at effective.

  1. Ang PalawanPay, sa anumang oras at para sa anumang kadahilanang maisip nitong nararapat, ay may karapatang baguhin, i-amend, i-revise, o i-modify ang mga T&C na ito nang walang abiso o pahintulot.Ikaw ay may responsibility to check kung may pagbabago sa T&C na ito. The continued use even after ng anumang mga nasabing pagbabago ay nangangahuluhang tinatanggap mo ang mga bagong T&C. Failure to inform and notify PalawanPay ng iyong pagnanais na ikansela o i-terminate ang iyong account is equivalent to the acceptance ng mga nabago na terms at conditions. Ang paggamit ng PalawanPay pagkatapos ng notice to terminate or cancel would also be equivalent to acceptance ng bagong T&C.

  1. You agree na magiging legally bound at susunod sa T&C na nakasaad dito para sa management and use ng PalawanPay Account at PalawanPay Services.Kung ang PalawanPay Account Holder does not agree sa mga nakasaad sa T&C, o or any relevant terms , ide-delete ng PalawanPay Account Holder ang kanyang PalawanPay Application sa kanyang mobile device, at/o kaya ay tumawag o magbigay ng written notice of cancellation sa PalawanPay Service Hotline indicated in the T&C., Otherwise, ang PalawanPay Account Holder ay magpapatuloy na mananagot sa lahat nga mga charges sa paggamit ng PalawanPay Services at/o PalawanPay Account.

  1. Ang paghintulot o consent na ibinigay ng PalawanPay Account Holder sa kahit sinong affiliate para sa anumang services/products na may kinalaman sa paggamit, pagproseso, paglabas at pagdisclose ng kanyang PalawanPay Account Information shall mean na ibinigay din niya ang kanyang consent sa PalawanPay/ PPS-PEPP Financial Services Corporation/Palawan Pawnshop Group.

  1. CUSTOMER COMPLAINTS HANDLING. Ang PalawanPay ay committed to maintain the highest standards of financial consumer protection. Ang inyong mga requests, feedback and customer needs ay ang aming priority.

    Kung mayroong concerns tungkol sa procedure or nagkaroon ng problem sa aming services, maaaring bumisita sa PalawanPay Help Center. All information disclosed shall be treated with utmost confidentiality and ireresolve sa paarang efficient and effective para sa mga Customers at Users.

     

    Ang PalawanPay ay may full cooperation kasama ang BSP sa Financial Consumer Protection. Maaaring mag-coordinate sa BSP’s Financial Consumer Protection Department at (632) 708.7087 or (632) 708.7088). Maaari ding i-email ang BSP sa consumeraffairs@bsp.gov.ph.

SUKI, i-PALAWANPAY MO NA!

Bukod sa Palawan Pawnshop – Palawan Express Pera Padala branches nationwide, maaari mo nang gawin kahit saan at kahit kailan ang mag-Pera Padala, Bills Payment, E-Load at iba pang transactions sa PalawanPay. Download na!

SUKI, i-PALAWANPAY MO NA!

Bukod sa Palawan Pawnshop – Palawan Express Pera Padala branches nationwide, maaari mo nang gawin kahit saan at kahit kailan ang mag-Pera Padala, Bills Payment, E-Load at iba pang transactions sa PalawanPay. Download na!