Sa panahon ngayon ng teknolohiya at pandemya kung saan halos lahat ng bagay ay puwede na nating bilhin online at bawal tayong lumabas ay maaaring narinig mo na ang e-wallet bilang isa sa mga paraan ng pambayad para sa iyong mga orders online. Ano nga ba ang e-wallet?
Ang e-wallet ay isang software-based system o application kung saan puwedeng ilagay ang iyong pera upang magamit sa mga transakyon online gamit ang iyong computer o cellphone. Sa pag-set-up ng iyong account ay kailangan mong maglagay ng iyong mga impormasyon at password upang siguradong protektado ang iyong account. Ito ay may kaparehong gamit ng credit card at debit card. Sa e-wallet na ito hindi mo na kailangang magdala ng pisikal na pera upang makabili sa mga tindahan, kainan, malls at maging sa mga airlines upang makapabili ng iyong kailangan. At kung nasa bahay ka naman, hindi mo na kailangan lumabas kung ikaw ay magpapa-deliver ng pagkain, kung ikaw naman ay nag-o-online shopping ay maaari mo nang mabayaran agad gamit ang online payment ang iyong mga pinamili. Maging ang mga bayarin tulad ng kuryente, tubig at internet ay maaari mo din bayaran gamit ang e-wallet nang hindi ka lumalabas sa inyong bahay at gamit lamang ang mobile payment method. Ang galing di ba?
Hindi lang ang mga mamimili ang puwedeng gumamit ng e-wallet. Sa pamamagitan ng online payment at mobile payment process, mas napadali na din para sa mga nag-o-online business ang pagkuha ng bayad galing sa kanilang mga customer. Ibibigay lang nila ang kanilang account number sa kanilang mga mamimili at puwede na nilang makuha ang bayad. Napapadali din nito ang pag-ikot ng pera sa ating ekonomiya at mga transaksyon na may kinalaman sa pera. Dahil hindi mo na kailangan pang pumunta sa bangko o sa mga branch para mag cash in. Kaya naman kahit sino ay puwedeng magbukas ng kanilang PalawanPay account anytime and anywhere gamit lamang ang smartphone.
Hindi lamang pagbabayad o pagtanggap ng bayad ang puwedeng gawin, maaari na ding mag-send ng money via mobile wallet to mobile wallet, e-loading at marami pang iba.
Kaya kung ikaw ay interesado nang magbukas ng e-wallet i-download na ang PalawanPay app. Tara na mga ka-Suki!