Malaking bagay sa panahon ngayon ang pagkakaroon ng e-wallet at online banking app sa kani-kanyang smartphone. Ilang clicks lamang at pwede ka ng makapag-transfer ng pera, magbayad ng kuryente, at kung ano pa man. Salamat sa technology, ‘di ba?
Pero ano nga ba ang pinagkaiba ng e-wallet at online bank? At higit sa lahat, ano nga ba dapat ang mas malimit mong ginagamit sa digital financial transactions mo sa panahon ngayon?
Ang pinagkaiba ayon sa kahulugan
Simulan natin sa kahulugan. Ang e-wallet, o digital wallet, ay isang serbisyo kung saan maaaring mag-store at magpadala ng pera, magbayad ng bills, at iba pa, depende sa services na ino-offer ng mobile application na iyong ginagamit.
Ang online bank naman ay isang mobile application kung saan stored ang iyong savings o ipon. Ito ay online equivalent ng pisikal na branch ng bangko kung saan pwedeng mag-withdraw, mag-deposit, at magtransfer ng pera na kalimitan ay may kalakip na transfer fees.
In demand sa panahon ngayon ang mga online banking apps. Pero ang pinakamalaking pinagkaiba ng online bank apps at e-wallets ay limitado sa banking transactions ang maaaring gawin sa online banking app, samantalang sa digital wallet, higit pa sa mga ito ang pwedeng gawin ng user.
Convenient at madaling gamitin
Sa digital wallet katulad ng PalawanPay, hindi mo na kailangang umasa sa ATM para makakuha ng cash para sa iyong transactions. ‘Yung wallet mo, hindi na kailangang ‘yung nakasanayan na bulky — nasa smartphone mo na siya mismo. Kailangan mo na lang ilabas ang iyong smartphone kapag magbayad ng electric at water bills, at iba pa.
Ida-download mo lang ‘yung PalawanPay e-wallet app sa iyong smartphone, mag-register at voila — mayroon ka ng digital wallet!
Madaliang pag-cash in ng pera
Hindi mo na kailangan pang pumunta sa bangko para lamang magcash in sa iyong e-wallet. Gamit ang iyong online banking app, pwede kang diretsahang magcash in ng pera sa iyong digital wallet. Maaari mo itong i-top-up sa pamamagitan ng iilang clicks lang.
Mabilisang money remittance
Ang pagpapadala ng pera sa panahon ngayon ay essential. Gamit lamang ang iyong e-wallet, pwede ka ng magpadala ng pera sa iyong mga mahal sa buhay, domestic man o international. Gaya ng PalawanPay, ang money remittance ay mabilis, madali, at mura lamang. At hindi mo na kailangang lumabas pa ng bahay at pumila!
Mag-cash out kahit kailan, kahit saan
Ang digital wallet ay para ring pisikal na wallet. Maliban sa financial transactions, maaari kang mag-cash out at mag-withdraw. Sa PalawanPay, kailangan mo lamang pumunta sa kahit alin sa mahigit 5,000 physical branches ng Palawan Pawnshop – Palawan Express Pera Padala and authorized agents nationwide kung kinakailangan mang mag-cash-out.
Parehong essential sa panahon ngayon ang online banking apps at digital wallets. Pagdating sa mga benepisyo at tipid tips, mas nakalalamang ang e-wallet tulad ng PalawanPay, ang go-to app para sa financial transactions mo.