“Nandito kalang sapat na.” Ito ang karaniwang sinasabi ng mga nagliligawan sa isa’t-isa. Sa mga may pamilya ito ay mahirap gampanan, dahil kailangang makipagsapalaran para maibigay ang pangangailangan ng pamilya kahit gaano man ito kalayo. Para naman sa mga hindi pa natatagpuan ang kanilang tadhana, ito ay nakakainis.
Ikaw? May mahal ka ba sa buhay na malayo sa’yo? Nahanap mo na ba ang destiny mo? Nainip ka na ba kaka-antay at gusto mo ng mag-try? No worries, dahil sa panahon ngayon ng teknolohiya at social media madali na lang ang pagiging connected sa ating mga mahal sa buhay. Easy na, real time pa. Kaya naman here are some tips kung paano mananatiling connected sa iyong mga mahal sa buhay na malayo sayo.
Una: Connect with your families and friends gamit ang iyong smartphone. Siguradong halos lahat tayo may smartphone na. Kung malayo ka sa iyong pamilya, tawagan mo sila ng mas madalas. Kung namimimiss mo naman ang iyong barkada puwede mo din silang i-text. Walang load? May E-loading ang Palawan Pawnshop – Palawan Express Pera Padala na may mahigit 5,000 branches and authorized agents nationwide. Marami din mga networks ang maaaring i-load dito. At take note, puwede din mag-load gamit ang mga e-wallet gaya ng PalawanPay app.
Pangalawa: Gamitin ang mga social media applications at platforms like Messenger, Facebook, Instagram, Twitter, Tiktok, Google Meet, Zoom at kung ano-ano pa. Marami tayong puwedeng magamit ngayon na pang-video call at pang chat. Updated na din tayo sa mga ginagawa ng mga mahal natin sa buhay dahil sa mga posts nila. At pwede din mag watch party o manood ng movies ng sabay-sabay, group video call at marami pang gimmick online. Siguraduhin lang na connected pa ang internet. Magbayad on-time!
Pangatlo: Pursue your hobby! Crochet, pag-aayos ng bahay, pag-aalaga ng aso, paghahalaman at kung ano pa. Humanap ka ng group sa FB, tiyak meron yan. Makakakuha ka na ng mga idea, makakakilala ka pa ng ibang tao na kapareho mo ng hilig. Malay mo mapagkakakitaan mo pa yan. Meet new people online ika nga.
Pang-apat: Single? Try some dating apps. Tinder, FB Dating, Bumble at iba pa. Hindi lang jowa makikita mo jan. Friends din. Basta’t tandaan: mag-ingat at maging mapanuri. Gamer? Maraming online games ngayon na real time mong nakakausap at nakakalaro ang mga iba pang gamers. Music at movie lover? Install ka ng mga music at movie apps na pwedeng i-share sa iba, para enjoy na sa pagshe-share ng mga favorite songs at movies mo, tipid pa.
At ang pang-huli: Switch to e-wallet with PalawanPay! Buti na lang may e-wallet na! Maaaring magbayad ng mga bills ng kuryente, mag-load, mag-online shopping, magpa-food delivery at ang pinakamaganda mag transfer ng pera. Hindi ka na mag-aalala na hindi mo mapapadalhan sina nanay at tatay ng pang maintenance. Mapapadalhan mo na ng regalo ang iyong nililigawan. Mabibili mo na ang gusto mong bilhin para sa hobby mo. Kaya naman ginalingan pa ng Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala, at meron nang PalawanPay e-wallet app, magagawa mo na lahat yan with PalawanPay gamit lang ang iyong cellphone. Ang galing di ba? Ang serbisyong walang kaduda duda.
Stay connected and stay safe mga ka-suki!