5 Safest tips to send money online

Napakaraming paraan na ngayon to send money to our loved ones mga ka-suki. Hindi na pahirapan ngayon ang money transfer process today dahil sa mga makabagong technology na mayroon tayo ngayon. Ang dali na ng buhay natin ngayon, no? Ang paghahanap nalang ata ng forever natin ang mahirap ngayon, joke lang! Ang sarap isipin na napakadali na lamang magpadala ng ating mga love gifts and remittances ngayon para maipadama natin ang pagmamahal natin sa ating mga mahal sa buhay. Pero, ingat sa pag-send money online ka-suki dahil sa mga maaaring online scams na pwede natin ma-encounter! Kaya narito at pag-usapan natin ang 5 safest tips to send money online.

 

1. Use a secure and reputable money transfer provider

If you are planning to send money online, always do your own research thoroughly mga ka-suki. Napakaraming online remittance na available to use online kaya naman minsan ay mahirap i-determine kung sino ang mas credible kaysa sa iba. Isang madaling paraan para malaman kung credible ang firm or hindi ay ang panonood ng mga review vlogs pagbasa ng articles from credible sources online. Maraming mga vloggers ang nagrereview ng iba’t-ibang mga bagay, platform, gadgets and even online remittance centers and applications. Laging tingnan ang reviews and comments sa mga remittance app kung application naman ang gagamitin mo. Follow these guidelines mga suki para maiwasan ang online scams and fraud with your money transfer process, kaya ingat always mga ka-suki!

 

2. Always save receipts

Napakaimportante na may nakasave tayo palaging e-receipt sa ating mga transactions. Lahat ng online money transfer process ay nag-iissue ng electronic receipt. Tandaan natin na lagi nating i-save ang mga online receipt natin or kung may reference number ang transaction natin ay always save it on your local devices. Maaari natin itong magamit bilang reference or proof of payment kung sakaling magkaproblema man ang ating transaction.

 

3. Sign out every transaction

One of the best ways to have a safe money transfer process online is to always sign out pagkatapos ng iyong transaction. Bago natin i-close ang browser or application na gamit natin ay i-sign out natin palagi ang ating mga accounts to prevent its access by wrong people. Kung sa browser naman tayo magbubukas ng account ay maaari tayong magbukas sa tinatawag na private window or incognito window para maiwasan na masave ang ating browsing history sa browser. Makakatulong din kung huwag natin i-click ang “keep me signed in” option para hindi automatic na nakalog-in ang ating account sa browser or app. These simple ways can keep our accounts and transactions safe mga ka-suki.

 

4. Always use strong password

Maaaring lagi na natin itong naririnig or nababasa mga ka-suki, pero uulit-ulitin natin itong ipapaalala na lagi tayong gumamit ng password na mahirap mahulaan. Maraming magagaling ngayon na hacker mga ka-suki kaya naman palagi nating ingatan ang ating mga accounts sa pamamagitan ng paggamit ng strong password. Also, always use different password to different accounts mga ka-suki, huwag natin pagpare-pareho ang passwords ng ating mga accounts. Frequently changing our password can also help to avoid online password theft. Ensure also that your passwords are securely store to avoid hassle-free log in and registrations. Make sure din na ikaw lamang ang nakakaalam sa mga personal credentials mo mga ka-suki!

 

5. Use PalawanPay App!

Makakatulong na natin ang PalawanPay App sa safe and secure online money transfer transaction needs natin mga ka-suki! Makakasiguro kang safe na safe ang iyong transaction sa PalawanPay App dahil sa mga layers of security nito and PalawanPay is regulated by the BSP or Bangko Sentral ng Pilipinas kaya naman no worries ang transactions mo online mga ka-suki. Ang PalawanPay ay mula sa pinagkakatiwalaan nating Palawan group kaya naman makakaasa kayong reliable at safe ang pera niyo rito. Gamit ang PalawanPay app, with just a few clicks, you can send money, cash in, cash out, e-load, scan-to-pay, at marami pang iba! Napakadali at napaka user-friendly ng PalawanPay App kaya naman i-download na natin ang app sa Google Playstore or IOS App Store para ma-experience na natin ang seamless at walang kuskos balungos na online money transfer transactions!

 

Sa digital na buhay natin ngayon, napabilis at napadali ang mga transactions to send money online. Maraming paraan para sa atin money transfer needs, ngunit marami rin ang magagaling na hacker at mga scammer online. Ngunit sa pamamagitan ng matalino, ligtas at tamang paggamit ng mga online remittance app or firms, wala tayong magiging problema sa ating mga transactions. Always be vigilant and mindful sa mga tips na to mga ka-suki, ingat!