How to save money as a student

Bilang estudyante, one of the most important things na kailangan natin isipin ay magkano ba ang expenses natin sa school araw-araw, monthly, or sa loob ng isang taon? Marahil marami sa ating mga student ay hindi pa natin ito iniintindi sa ngayon dahil madalas ay si nanay or si tatay naman ang nagpo-provide ng ating allowance. Pero sumagi na ba sa isipan natin to save money kahit student pa lamang tayo? Possible na limited lamang ang ating allowance or madalas sapat lang para sa mga expenses natin sa school, merienda, or transportation fee kaya halos wala nang nagso-sobra sa ating allowance. Pero kaming bahala dyan, we will help you to manage your allowance and give you some money-saving tips to save money as a student.

 

Make a budget and track your spending

The number one tip to manage your finances and allowance well is to do the right budgeting. Takenotes and write down all your expenses and allowances. I-list mo lahat ng allowance na nare-receive mo weekly, daily or monthly. Then, list also all your regular expenses daily, weekly, or monthly. Check mo sa loob ng isang lingo or buwan kung magkano pa ang natitira sa budget mo if you deduct all your expenses to your expected allowance. Let’s say, nasa 2,000 ang allowance mo monthly, tapos nasa 1,500 naman ang regular expenses mo sa school monthly including snacks, travel cost, and everything. So may 500 expected remaining cash ka after the month-end. If you are anticipating this 500 per month, then do not dare to buy or spend something that exceeds 500php cash that will be left in your pocket during the month-end. With this strategy, you can track your expenses and you can also minimize your costs dahil mas madidisiplina mo ang sarili mo kapag may nakikita kang real-time figures sa budget mo monthly. Maiisip mo palagi na “Hala, hindi na’to pasok sa budget ko this month, saka ko nalang bilhin yan”. If we make it a habit, masasanay na tayo to budget our finances and allowance on a regular basis.

 

Do packed lunch

Alam mo ba na mas makakatipid ka and you can save money kapag nagbaon ka nalang ng pagkain instead of bibili ka pa? For sure pabor dito si Nanay or si Tatay if you suggest to them na magbaon ka nalang instead of buying meals at school. If you can cook for yourself naman, then great! Mas makakatulong ka pa na mabawasan ang mga gawaing bahay ni Nanay or Tatay kapag ikaw nalang ang nagluto ng baon mo sa school. And then save those extra money na nakalaan sana sa meals mo everyday para mas marami kang nasosobra every week. You can use that extra savings sa ibang gastusin mo sa school and if you want to treat yourself when you’ve done  a great work at school. Pwede mo rin naman hayaan lang na makaipon or open a bank account para mayroon ka rin emergency fund it times of need. Marami kang pwedeng gawin sa ipon mo kaya naman isipin nating mabuti kung saan natin pwedeng ilaan ang savings natin mula sa sobrang allowance natin sa school. Let us be responsible and always instill financial discipline sa mga sarili natin.

 

Buy used/second-hand books if possible

This is a great money-saving practice and you can save more money than you think when you buy second-hand books instead of buying new ones. Alam naman natin na may kamahalan din ang presyo ng books sa school, kaya naman mas piliin nalang natin bumili ng mga pre-posessed na books kesa sa mga bago. Kung may kakilala tayo na pwedeng mabilhan sa mas murang halaga, then go! Parehas lang naman halos ang laman ng books sa library at sa mga second-hand kaya no worries sa pagbili ng lumang books. Isipin mo, nakatipid ka’na, nakatulong ka pa sa taong pinagbilhan mo ng books, di’ba?

 

Limit your “lakad”

While you are a student, you must be responsible for your expenses dahil halos lahat ng allowance natin ay hinihingi or binibigay pa ni Nanay or ni Tatay. Hindi naman masama ang makisama sa mga classmates natin if nag aaya silang kumain sa labas, hang-out sa mall at iba pa. Ang hindi maganda ay ang ipilit natin na sumama kahit hindi na pasok sa budget natin yung gagastusin natin for the lakad. Sometimes we should learn to say “no” kung hindi naman talaga kaya ng budget. Sa ganitong practices, makakatipid ka na, natutulungan mo pa sina Nanay at Tatay na hindi mag exceedsa allowance mo monthly. Saka na sa gimik-gimik at lakad kapag kaya na natin kumita gamit ang mga sarili nating paraan. Okay?

 

Money-saving can be quite difficult lalo na kung estudyante pa lamang tayo. Pero sabi  nga nila, “if there’s a will, there is a way”. Our will is to minimize our expenses and stick to our monthly allowance budget as a student, and our way ay ang mga money-saving tips na nabasa natin sa taas. Enjoy lang natin ang school suki! At habang nag-eenjoy, samahan natin ng matalinong paghawak ng pera!