Almost everything today revolves over the internet. Nagkalat ang social medias, games, e-books, learning platforms at marami pang iba na accessible as long as you are connected to the internet. Since sobrang massive nga ng usage ng internet nowadays, ang daming cybersecurity threats ang possible na ma-encounter ng user. Sobrang vulnerable ng privacy natin once na hindi tayo aware sa proper usage of the internet. Marami ang magagaling na cyber criminals na nag-aantay lamang ng mabibiktima online kaya naman need natin ng extrang ingat at awareness on how we can protect ourselves from possible cyber attack. We will help you na maging ligtas sa paggamit ng internet ka-suki, kaya heto ang 3 safety tips while you are using the internet.
Safety tip #1
Keep your personal information private
Heto ang pinaka-importante na need natin i-secure at tandaan mga ka-suki. We should always keep our personal information private, huwag natin basta-basta na ilalagay ang ating mga personal data sa mga platform na ginagamit natin while we are surfing over the internet. Example dito ay ang Facebook, Tiktok, Instagram at marami pang ibang social media apps. Once we put all our important personal information, pwedeng gamitin ito ng mga cybercriminals for their plan of cyber attack. Pwede kasi nila itong magamit for data phishing or identity theft. Once they fully know about your informations, they can pretend to be like you and use your credentials to do unethical things sa iba. Maaari silang magpanggap na ikaw dahil alam nila lahat ng tungkol sa’yo kaya do not ever put all your personal information over the internet lalo na kung public viewing ang platform or app na gamit mo.
Safety tip #2
Practice safe browsing
Madalas nagiging curious tayo lalo na sa mga ads or pop-ups na lumalabas sa mga screens natin when we are browsing the internet, social media man or web. We should always practice safe browsing mga ka-suki. Huwag tayong basta-basta nagcli-click ng mga pop-up ads, and kung hindi tayo familiar sa mga links, huwag na natin subukan pa itong i-click. Magagaling ang mga cyberciminals, they often use catchy ads, and links as bait sa mga users. Kapag nagkamali tayo at na-click natin ang malicious software hindi natin alam na possible na ma-hack pala tayo or may virus pala yung link. And when they succeed to enter to your system using malware or the malicious software na ginamit nila na accidentally or intentionally na clinick natin, they can steal our data or even destroy our computer system. Napaka-destructive nito ka-suki dahil kayang-kaya nilang gawin ano man gustuhin nila sa computer natin once naka gain sila ng unauthorized access. So we should be always aware what we are clicking for. Kung hindi tayo sure, wag na natin i-try na i-click or i-explore ang link, software or application na gusto nating kalkalin. Di bale ng maagap at maingat kaysa sa ma-hack tayo suki!
Safety tip #3
Be careful what you download
Sobrang importante nitong safety tip na’to ka-suki. Minsan nakaka-enjoy nga naman magdownload ng kung anu-ano dahil sa madalas libre lang ito na mada-download basta may internet tayo like songs, games, images, software, apps at marami pang iba. Pero we should also be cautious pagdating sa pagda-download ng kung anu-ano. Possible na yun palang na-download mo sa smartphone, laptop or desktop mo ay may virus pala! Lalo na sa mga cracked apps and software. Beware tayo sa mga to suki! Marami nito sa internet, free lang sila kapag ida-download using cracked version or eto yung mga walang license na applications or software. Pero madalas may virus na dala ito ka-suki na pwedeng manira ng computer system mo. Always download apps, software, songs, images or videos sa mga credible sources at sa mga official sites. Madalas may bayad ang mga ‘to pero at least safe ang system natin from the threat of virus.
Always do precautionary actions and always think carefully bago tayo gumawa ng action online. Napakalawak ng internet ka-suki at maraming hindi magandang bagay na pwedeng mangyari sa atin at sa mga devices natin kung hindi tayo naging maingat sa paggamit ng internet.