Napakaraming e-wallet apps ang downloadable online for free ngayon. With just few and easy requirements, kayang-kaya mo nang mag-open ng e-wallet account at magamit sa mga financial transactions with ease! But how can we assure our safe our transactions using e-wallet apps? At gaano nga ba ka-safe ang account natin? Iilan lamang yan sa mga tanong na maaaring sumagi sa mga isipan natin when we are planning to open an e-wallet account.
Ang matagal na nating pinagkakatiwalaang pagdating sa pera padala, ang Palawan Pawnshop Palawan Express Pera Padala ay may e-wallet app na din! Makakasama na natin sa ating mga cashless financial transactions ang PalawanPay app. Sobrang dali lamang magkaroon ng PalawanPay account as in sobrang basic lang ng requirements and process on how to register to PalawanPay e-wallet app. Pero maaaring matanong din natin sa sarili natin, “gaano ba ka-secured ang PalawanPay account ko?”. Well, sasagutin natin yan with confidence!
Unang una, ang PalawanPay App ay regulated by the BSP or Bangko Sentral ng Pilipinas. Ibig sabihin ay naka-set sa “Gold Standards” ang security system ng PalawanPay dahil sumusunod ito sa requirements ng BSP kaya naman hinding-hindi ka mag-aalala kung safe ba ang account mo dito!
Pangalawa, the PalawanPay App has layers of security when opening an account. Magre-require ang app ng iyong mga personal information and security questions to set your account and you have to provide your active mobile number para ito ang maging unique ID ng account na o-open mo. When everything is set, you have to nominate a 4 digit Quick Pin or QPIN at ito ang magiging password mo when opening your PalawanPay account. Ang daming layers of security no? Hindi pa tayo tapos dyan dahil need mo rin magset ng MPIN na magsisilbing susi mo when doing transactions with the app. With these layers of securities, sure na sure tayo na safe ang account ating account and our transactions with PalawanPay app!
Pangatlo, sobrang active ng customer support ng PalawanPay kaya naman kung makaka-encounter ka man ng issues, for sure mabilis lang ma-aksyunan ng ating mga customer support representatives yan! And take note ka-suki alin man sa mga PalawanPay representative ay hinding-hindi hihingin ang iyong QPIN or MPIN of your account kaya when they ask about it, report mo agad sa chat support or magsend ng ticket agad-agad sa mga contact details ng PalawanPay.
Priority ng PalawanPay ang security of each account ng mga users kaya naman maaasahan natin na walang kuskos-balungos ang seguridad ng accounts natin with the PalawanPay app!