Magmula nung magka-pandemia, marami ang nag-adjust sa sitwasyon dahil sa quarantine protocols na ipinatupad sa buong bansa. Magmula sa pagsusuot ng facemask na hanggang ngayon ay ipinapatupad pa rin at ang social distancing na medyo lumuwang na ng kaunti sa panahon ngayon hindi katulad noong taong 2020 – 2021. Even businesses are affected because of the pandemic, marami ang nagsara, at nawalan ng trabaho dahil maraming business establishment din ang nagbawas ng tao. Pero isa sa mabuting nagawa ng pandemia sa atin ay natuto tayo sa iba’t-ibang online jobs na kahit sa bahay lang ay pwede pala tayong magtrabaho. May mga ilan na nag-enhance ng skills para ma-qualify sa online job na ina-applyan nila. Marami ang gumaling sa video editing, graphic designing, website designing at programming. Iilan lamang ang mga ito sa skill sets na na acquire ng karamihan dahil na rin sa determinasyon ng Pinoy na sa kabila ng pandemia ay kailangan natin makagawa ng paraan para kumita ng pera.
Pero anu-ano nga ba ang needed equipment para sa home-based job na ninanais ng karamihan? Narito ang mga must-have work-from-home tools para sa mga home-based warriors natin.
- Fast and reliable internet connection
One of the most obvious tools needed is to have a reliable internet connection. Syempre online ang trabaho ng mga home-based warriors kaya naman need natin magkaroon ng reliable internet connection. If possible, dapat high-speed ang internet kapag work-from-home ang setup para walang maging aberya kapag nasa online meeting at kausap ang mga client or superiors. Need din na may backup internet ka gaya ng 5G mobile data if ever mag down man ang internet connection mo due to technical issues.
- Desktop Computer/Laptop
Karamihan sa mga online jobs ay may specification requirement para sa trabahong ino-offer nila. So we should invest in a desktop/laptop na may mataas ang specs. If you buy a laptop/desktop, make sure na tatagal ang brand lalo na if you are planning to make the work-from-home your permanent job style. Hindi bale kung mahal ang equipment mo basta sure ka sa quality and performance na mabibili mo.
- Extra Monitor
Mas mapapagaan ang pagtra-trabaho natin online kapag naka-dual monitor tayo. Mas madali ang navigation natin sa mga naka-open nating window kapag dual monitor ang setup natin. Less hassle ito para hindi na pahirapan ang paghahanap sa other open windows.
- Working Table or Desk and Office Chair
Mas komportable ang home-based setup natin kapag may permanent office table tayo with comfortable office chair. Para kahit nasa bahay lang tayo ay feel na feel natin na nasa office parin tayo – home office nga lang. For sure marami ang pwedeng maging distraction kapag sa bahay lang tayo nagtra-trabaho, so we should still separate our home world sa office world natin kahit home-based tayo para focus pa rin tayo sa trabaho kahit anong mangyari.
- Headphone/Headset with Microphone
We should also invest sa good quality headphones or headsets with microphone dahil necessity ito sa home-based setup. Mas madali kayong magkakaintindihan kapag good quality ang headphone/headset na gamit mo tuwing may kausap ka online. Kung music lover ka naman, you can privately listen to music while working using your best quality headphone or headset!
- Proper Lighting
Sa mga online meetings natin, madalas required ang open-camera, kaya naman we should have proper lighting para kitang-kita tayo ng malinaw sa video conference natin with workmates, clients or business partners. Magagamit din natin ito kapag gabi na at mas gusto natin na dim lang ang ilaw sa office room natin, we can just open our desk-light para ito lang ang magsilbing ilaw natin while we work at night.
- Electric Kettle
Maybe you are wondering why this is included in the list of tools for a home-based warrior. Iba pa rin kapag may instant na mainit na tubig tayo na always ready para makapagtimpla tayo ng mainit na kape. Madalas sa atin ay mas ginaganahan magtrabaho kapag may nakatabing kape sa desk natin, tama di ’ba? Kaya naman this is a must-have tool para sa home-based setup natin para whenever we want a cup of coffee, agad-agad ay makakagawa tayo para makasama natin sa bakbakang trabaho online.
At idagdag lang natin na makakasama na natin ang PalawanPay sa ating work-from-home setup dahil mayroon na itong payroll management system na makakatulong for disbursement of your payroll galing sa inyong employer! Work-from-home just got better na nga naman dahil sa PalawanPay, kaya download mo na ang PalawanPay App sa Google Playstore or IOS App Store to experience the good news!