Malapit nanaman ang due date, magbabayad nanaman ng bills pero kulang pa ang budget, hala! San kaya ako kukuhang pangbayad ng bills? Hayy, saktuhan pa man din ang budget, paano na kaya yan? Baka lumagpas nanaman ang due date bago mabayaran ang bills. Ang hassle di’ba? Gawan kaya natin ng paraan yan suki? Paano kaya kung i-trim natin ang monthly expenses natin to reduce our cost buwan-buwan at lalo na to to reduce the stress of monthly bills payment? Tara suki, bigyan kita ng 5 ways to minimize your monthly expenses.
- Track your spending
Unang-unang paraan to cut your monthly expenses is to always keep track of your spending. Isa itong magandang eye-opener sa atin suki once na na-track natin ang isa or dalawang buwan na spending natin. Baka magulat ka na ang laki pala ng nagagastos mo sa mga bagay na hindi naman pala necessary. Once you track your spendings at alam mo na kung saan napupunta ang pera mo monthly, you can now adjust sa spending mo. Malalaman mo na kung saan ka sumosobra or saan ka dapat magtitipid.
- Stick to your budget
Nakakawili nga naman mag-online shopping ngayon, no? Ang daling mag add-to-cart tapos checkout agad kapag may sahod na. Tapos ang daming paraan ngayon para makapagloan ng gadget, sasakyan, appliances at marami pang iba. Kaso pasok ba ‘yan sa budget mo? Baka naman pagkatapos mong mabili yan e low budget ka nanaman? Always stick sa budget natin suki. Huwag nating hayaang lumalagpas sa monthly gross income natin ang expenses natin. Malaking problema kapag naging one-day-millionaire tayo. Kung hindi naman kaya ng budget natin monthly yung kukunin nating hulugan huwag na muna natin itong kunin. Pwedeng tapusin muna natin ang current loan natin or isip tayo ng alternative item na mas mura. Kung kaya naman i-cash, kunin na natin ng cash para mas less sa monthly stress na pagbabayad. Always stick to your budget suki, mahirap to minsan, pero I’m sure kaya mo naman yan!
- Cut unnecessary subscriptions or plans
Baka naman naka-subscribe ka sa movie streaming app tapos hindi mo naman pala masyadong ginagamit? Baka naman nagbabayad ka monthly postpaid or prepaid plan ng sim card mo pero baka bihira ka nalanag magtext or tumawag ngayon dahil mostly over the internet na ang communication. If you’re thinking what you have to cut to trim your monthly expenses, you have to consider tong mga unnenessary plans or subscriptions na ‘to. You can also downgrade your plan if needed para makabawas sa cost mo monthly. Isipin mo lang kung saan-saan ka nakasubscribe or kung alin ang mga plan na binabayaran mo monthly. Kung hindi naman masyadong need ang plan or subscription, stop mo na agad para makatipid ka monthly.
- Cook meals at home
Ang sarap nga naman kumain sa labas with the family, or minsan kahit ikaw lang mag-isa dahil gusto mong mag-unwind. Tapos ang dali na ‘rin umorder ng food ngayon from different fast-food chains dahil may mga delivery app na to satisfy your cravings. You can treat yourself or the family paminsan-minsan pero take note na mas piliin pa rin palagi ang magluto na lamang sa bahay dahil sobrang laki ng mas matitipid kapag lutong bahay ang kakainin natin. We can set a date outside naman basta pasok ‘to sa budget natin. Pero if you want to trim your expenses monthly, opt to cook meals at home nalang instead of ordering or going outside for lunch or dinner.
- Shop with a list
Uy! Bagong sahod! Tara grocery shopping tayo. At dahil bagong sahod ka naman, hala sige! Dampot lang ng dampot kada makita or magustuhan sa supermarket. Oops, napasobra! Gulat ka ‘no? Yan, wala ka kasing listahan ng bibilhin mo kaya naman sumobra ka sa target budget mo. Kaya naman always shop with a list suki and always discipline yourself na bilhin lamang kung alin ang nasa listahan para hindi tayo nag-o-over expense. Hanap rin tayo ng mga mas murang items sa supermarket kung may mapagpipilian naman para less cost. Ayan, nakatipid ka ‘na, di’ba? Ganyan dapat ang pagsho-shopping suki, may disiplina at syempre may listahan! Happy Shopping!