In these trying times, maraming mga tao ang namulat at ngayon ay naghahanap na ng mga paraan para masiguro ang kanilang financial stability. One thing to consider sa panahon ngayon, lalo na at pandemic ay ang pagkakaroon ng emergency fund. Kaya tutulungan ka namin para maintindihan pang lalo at malaman ang mga steps ng pagkakaroon ng emergency fund.
The definition
Ano ang emergency fund? Ang emergency fund, by definition, ay any amount ng pera na inihihiwalay o iniipon na maaaring magamit sa panahon ng emergency o mga hindi inaaasahang pagkakataon. Ang purpose nito ay depende sa tao, maaaring ito ay para maipambawas o pambayad sa utang, o para sa iba ay para may magastos sila kung sakaling may magkasakit man o may dumating na hindi inaasahang gastusin.
Paano nga ba tayo makapagsisimula ng emergency fund? Narito ang three simple steps:
Determine the amount
Ang pag-se-set up an emergency fund ay puwedeng mabigat sa bulsa. Pero ang advantage naman nito ay financial security, kaya para masiguro na kaya mo ito, ang first step ay isipin o planuhin muna kung magkano ba dapat ang kailangan mong I-save. I-sort out ang inyong earnings at expenses first para makapag-come up sa isang reasonable amount na kailangan mong I-reserve para sa iyong emergency fund. Isang example nito ay ang pagkakaroon mo dapat ng three to six months living expenses na dapat ay readily accessible para sa iyong emergency fund.
Choose the “place”
Piliin ang tamang lugar kung saan mo ilalagay ang iyong emergency fund. Here are different places to consider:
- Savings accounts
- Credit unions
- Regular banks
- Online banks
Ang mga regular banks at savings accounts ang mga usual go-to places para sa emergency funds, but make sure na ang mga banks na ito ay insured. After all, ang three basic requirements para sa iyong emergency fund’s hiding place ay safety, security, and insurance.
Consistency is key
Usual sa isipan ng mga tao na walang mangyayaring masama o sakit lalo na kung maingat naman tayo sa lahat ng bagay. But keep in mind na ang mga emergency ay puwedeng mangyari anytime ng walang ka-warning-warning. Remember, when it rains, it pours, kaya stay consistent.
Kaya build your emergency fund with ease sa PalawanPay. Mag-ipon and make seamless Express Pera Padala via the PalawanPay mobile wallet app, meron din bills payment, e-loading and, cash in, at marami pang iba with just a few clicks away using your mobile wallet app.