Advantages of online bills payment

Do you know kumareng Judith? Siya lang naman ang isa sa mga lagi natin pinaglalaanan ng pera.Yes, that’s her, si Judith o due date ng mga bills natin. Bill sa electricity, water, internet, rent, credit card, post-paid plan, hulog sa bahay, kotse and many more. Ang daming Judith no, giving us headache, then you’ll have to wait in line to pay your bills, naku maghapon yan. Ang swerte naman ni Judith no, ginastos na nga tayo, pinahirapan ka pa sa pagbabayad. But it is different now. Dahil ngayong panahon na ng technology, you don’t have to wait in line to pay the bills dahil may online payment na. Yes, you heard it right, pati bills payment pwede na online. That’s not it, iisa-isahin pa natin ang mga perks ng online payment ng mga bills natin.

 

Una, online bills payment is easy and convenient

Just like what you’ve read above, hindi mo na kailangan pang pumila sa mga outlet ng iba’t ibang billing companies mo para makapagbayad ng bills. Kung dati, you have to go to different locations ng mga billing companies o bayad centers na napakalayo sa isa’t-isa at ang hahaba ng pila, today, even just sitting in your house and watching your favorite series ay makakapagbayad ka na. Hindi mo din kailangan maging techy muna bago makapagbayad ng bills online, dahil isang application lang sa iyong smartphone, or isang website lang ang pupuntahan mo para makapagbayad. Ang mga online banks at  e-wallet na ang bahala dyan. PalawanPay App, ayan, e-wallet yan na galing sa pinagkakatiwalaan ng lahat na Palawan Pawnshop – Palawan Express Pera Padala. Maraming partners na billing company ang PalawanPay kaya makikita mo lahat yan sa PalawanPay App when you pay for your bill. O diba? Pinadali na ng PalawanPay App ang online payment natin.

 

Pangalawa, your bill payment is secured

Sinisiguro ng mga banks at financial institution ang security natin online, ang username, password, QR code, security questions at mga One-Time-Pin (OTP) ang isa sa mga paraan nila para maiwasan ang identity theft o phishing online, that’s why huwag matakot magbayad online.  Katulad ng ginawa ng pinagkakatiwalaan natin sa  pagsasangla at pera padala na Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala ay pinagaling talaga at pinahusay ang security natin sa PalawanPay App. Just remember, huwag ipamigay ang password.

 

Pangatlo, Online bills payment is eco-friendly

Yes, paperless ika nga. Pwede na ngayon mag-request sa billing company mo na paperless na lang ang ipapadala na bill din sa iyo, ibig sabihin, you’ll receive your bill through e-mail or text. Same way with paying, wala nang form na kailangan sulatan. The receipt is virtual. Mase-save mo na ang mga puno, clutter-free ka pa dahil wala nang mga papel na maiipon sa bag o sa bahay niyo. Kaya, go online payment na, go paperless na din.

 

Pang-apat, Online bills payment can help you manage your finances

Pagkabayad mo ng online ng bills mo, you’ll see immediately ang natitirang laman ng account mo. It is easier to monitor your budget sa ganitong paraan. Makakapag-set ka din ng reminders ng pagbabayad ng bills gamit ang iyong mobile phone kaya hindi ka na mao-overdue sa mga bills. Gamit din ang ibang apps, mas mapapadali din ang pagta-track ng iyong mga gastusin.

 

Pang-lima. Online bills payment saves you time

A lot of time will be saved when you choose online payment.Think about it, hindi mo na kailangan magising ng maaga para maligo at mag-prepare sa pagpunta sa mga billing outlet at bayad centers, less time bumyahe, pumila, mag-fill-out ng forms at maghanap ng barya kung walang panukli ang cashier. If you’re gonna pay online gamit ang e-wallet tulad ng PalawanPay App, ilang click lang ang kailangan mo, fill-out your info, wait for the OTP at verification text, tapos na. At magagawa mo lahat yan ng nasa bahay lang. Ang bilis di ba?

 

Kaya save time, money, paper, and effort by paying bills online with the PalawanPay App.