E-wallets provide convenience and seamless money transactions gamit lamang ang ating mga smartphones, tablets, at laptops or desktops. Hindi natin maikakaila na Filipinos are into e-wallet nowadays dahil nga naman sa convenience na hatid neto sa mga users. Ilang clicks lang at swipe ng ating smartphones ay makakapagpadala na tayo ng pera, makakabayad ng bills at marami pang iba. Pero ang natatanging tanong na madalas na pumasok sa isipan natin ay kung safe nga ba gumamit ng e-wallet dito sa Pinas? Quick answer is, yes! Safe na safe ang mga e-wallet na available sa market dito sa Pilipinas dahil dumaan ang mga ito sa masusing pag-aaral most importantly pagdating sa security features ng mga ‘to.
Gaano nga ba ka-safe ang e-wallet sa Pinas?
Karamihan sa mga e-wallet na mayroon tayo sa Pinas ay mayroong tinatawag na OTP or One-Time-Pin or ang iba naman ay tinatawag na One-Time-Password. Ito ang isa sa mga layer of securities na nagpoprotekta sa ating mga e-wallet accounts. Pin ito or code na sinesend sa ating registered mobile number once we are logging in or may ginagawa tayong transaction sa ating e-wallet. Hindi basta-basta maha-hack or mape-penetrate ang ating account once na tayo lamang ang may hawak ng ating registered mobile number at hindi natin ibinabahagi sa iba ang ating OTP or account details.
Malaki ang part ng user kung papaano magiging secured ang kanyang e-wallet. Kailangan maging mindful tayo sa paggamit ng ating e-wallet dahil magagaling din ang mga hacker or scammer sa ating paligid kaya naman lagi nating tandaan ang mga bagay na ito:
- Iwasan ang paggamit ng public wifi kung bubuksan natin ang ating e-wallet or gagawa tayo ng transaction dito dahil mas madaling ma-penetrate ng hacker ang accounts kapag public wifi ang gamit ng user.
- NEVER share your OTP and login details with others. May pagkakataon na gagawin ng hacker na magpapanggap silang support or customer service at kapag hinihingi ang ating login details or OTP, NEVER natin itong ibibigay dahil NEVER na manghihingi ng login details ang legit support once may inquiry tayo sa kanila.
- Do not use personal details for your password like birth date, surname, full name at iba pa dahil mas madaling maha-hack ang ating e-wallet account kapag ng mga detalye tungkol sa atin na madaling hulaan ang ginamit nating password or username. Mas safe na gumamit tayo ng password or username na hindi related sa atin at hindi basta-basta mahuhulaan.
- Change your password regularly. Isa ito sa pinaka-safe na paraan to protect our e-wallet account dahil sa regular na pagpalit ng ating password, hindi basta-basta maca-crack ng hacker ang password ng e-wallet account natin. But always remember to save your password gamit ang iyong secured personal notepad or isulat mo ito sa mga notes mo para hindi mo rin ito basta-basta malilimutan.
Safe naman ang mga e-wallets sa Pinas pero mas magiging safe ang mga ito kapag tayo mismo ay aware on how to secure our e-wallet accounts. Nasa user pa rin talaga nakadepende kung magiging safe ang kanyang e-wallet sa mga hackers or hindi.
Kung hackers-free, may ilang layers ng security at BSP regulated na e-wallet ang hanap mo at siguradong pang-masa at walang kuskos-balungos, download mo na ang PalawanPay e-wallet app sa Google Play Store or IOS App Store. Millions of users are already using the PalawanPay App kaya naman maging isa na sa mga satisfied users neto! Napaka user-friendly at hassle-free ng paggamit ng PalawanPay dahil idinesenyo ito para sa masa at gawing mas madali ang cashless transactions ng bawat mamamayang Pilipino.