Mga suki palagi ka bang nalilito sa mga terms na ginagamit natin sa ating e-wallet? Ano ba ang kaibahan ng cash in sa fund transfer? Paano ba mag-cash out? At iba pang mga katanungan na nalilito ka. Huwag kanang mag-alala dahil sagot na kita! Dahil ngayon idi-discuss natin ang iba’t ibang terms na related sa paggamit natin ng e-wallet.
Let’s discuss first what e-wallet is. Ang e-wallet ay isang digital storage ng iyong pera. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ka ng cashless transactions sa iba’t ibang paraan. Maaari mo itang magamit sa mga online shops, pagbabayad ng bills at iba’t-iba pang mga transaction, at magagawa mo ito gamit lamang ang iyong mobile phone. Kahit saan ka man naroon ay maaari mo itong magamit, basta mayroon ka lamang mobile phone at reliable internet connection. Narito ang ibat ibang features ng e-wallet.
Cash-in and cash-out. Let’s start with cash-in, from the word itself, maglalagay ka ng pera sa iyong e-wallet. From physical money ico-convert mo ito into digital money and you can store it in your mobile wallet at ang cash-out naman ay vice-versa. Sa PalawanPay ay maaari kang magcash-in at magcash-out sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala branch, magfi-fill up ka lamang ng form, wait for the verification code and then you’re done. Gano’n kabilis!
Fund transfer. Ito ay ang process kung saan magpapadala ka ng pera sa ibang account. But unlike the traditional way of sending money, ito ay mas mabilis dahil ito ay real-time process at once na narecieve mo na ang verification of your transaction, magrereflect na agad ito sa iyong account at sa account ng iyong ka-transact.
Bills Payment. Magagamit din ang e-wallet sa pagbabayad ng bills katulad na lamang ng electricity, water, at maging internet bill. Ang PalawanPay App ay marami ang biller partners na pagpipilian, mapa government agencies, airlines, loans and even schools ay maaari mong pagpiliian para online mo na gawin ang iyong payment. Maaari mo ding gamitin ang e-wallet para sa iyong mga na-mine sa live selling or online shopping, maging sa mga food delivery ay maaari din.
E-loading. Ito ang maganda sa e-wallet, hindi lamang sya basta basta na mobile wallet kundi diverse din ito at very useful. Sa pamamagitan ng e-wallet, specially the PalawanPay App ay magagawa mo nang makapagload sa maraming network providers.
But wait there’s more. Ang PalawanPay ay mayroon ding scan-to-pay feature. Ito ay ang paggamit ng iyong e-wallet application sa iyong mobile phone sa pagbabayad ng iyong bills sa mga physical establishments. Maaari mo itong magamit sa mga stores, gasoline stations, restaurants at iba pa na may available na QR code. Just scan the code, confirm gamit ang iyong passcode at makakatanggap ka ng verification code. Gano’n kadali!
Sa dami ng pwedeng paggamitan ng e-wallet ay naging essential na ito sa araw-araw nating pamumuuhay. Para sa seamless cashless transaction needs natin, kasama natin ang PalawanPay e-wallet na pang-masa, user-friendly at walang kuskos-balungos na e-wallet application. You can download PalawanPay App for free sa Google Play Store at IOS App Store, kaya naman maging isa na sa mga milyun-milyong satisfied user ng PalawanPay App, tara ‘na suki!