Credit Card at Debit Card, yan ang mga unang nagpakilala sa atin ng cashless payments. Pero ngayon, may more convenient way na to go cashless. Bago ko sabihin kung ano yun, may tanong muna ako sa ‘yo. May wallet ka ba? May cellphone, tablet, laptop, o computer? Kahit ano sa mga nabanggit. Siguradong meron di ba? Pagsasamahin natin yan at gawin nating e-wallet!
What is e-wallet? Ang e-wallet is an application kung saan pwede mong icash-in ang iyong pera para sa mga transactions mo online tulad ng bills payment sa kuryente, tubig at internet, online shopping at kung ano-ano pa. Kahit kumain ka man sa resto o mamili sa mga supermarket, gamit lamang ang iyong mobile phone, cashless payment na ang peg mo, kahit wala kang credit card o debit card. Siguraduhin mo lang na may laman ang e-wallet mo ha.
And yes! Tama ang bali-balita! May e-wallet na ang pinagkakatiwalaan natin na Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala. Ito ay ang PalawanPay App. Ipinapakilala ang pinagaling at pinadaling pera padala, pag-cash-in at cash-out, bills payment, e-loading, international remittance at pag-scan to pay– ang PalawanPay App!
Kaya suki, kung magbabayad ka ng bills sa kuryente, water, internet o kahit anong bill pa yan, sit back, relax at kunin lang ang iyong cellphone, buksan ang iyong PalawanPay App at pumunta sa Bills Payment. Hanapin lang ang iyong biller company, ilagay ang account number, account name at iba pang detalye, maraming ka-partner na biller company ang PalawanPay. Pagkatapos, i-click ang “Next” at i-check mo kung tama ang mga impormasyon, pindutin ang “Confirm” kapag sigurado ka na. Ilagay din ang Quick Pin bago i-click ang “Send”. Antayin ang confirmation ng iyong bayad. Mabilis lang yan.
Ang galing no, nakapagbayad ka ng bills habang nasa bahay ka lang gamit ang PalawanPay App. Mabilis at madali lang di ba?