Financial stress is one of the factors that affect one’s mental health. Failed financial management might cause a big risk of insomnia, depression, and psychological distress. Ang pagiging maalam tungkol sa kung paano ang mental health and money are connected ay maaaring makatulong lalo na kung ikaw ay kasalukuyang nahihirapan sa financial management. Sorting things out might feel like a difficult task, but once you master how to deal with it, sure na worth it ito para sa part mo.
Hindi man halata na may malaking impact ang ating financial management difficulty sa ating mental health, pero hindi natin mamamalayan na nas-stress na pala tayo dahil sa financial problem. Halimbawa dito ay ang pag-aalala natin sa ating finances ay pwedeng mag-cause sa atin sa kahirapan sa pagtulog, feeling natin na ang bilis natin mapagod at iritable tayo sa mga maliliit na bagay which is hindi tayo aware na dahil na pala ito sa financial difficulty na nararanasan natin. Aside from that, mental health is a big factor para tayo ay makapag function ng maayos lalung lalo na when it comes to our ability to work, and productivity. Having bad mental health due to bad financial management consequences ay maaring magdahilan upang maapektuhan ang ating productivity at work. Ang iba naman ay nagiging stress-reliever nila ang tinatawag na stress-buying or stress-shopping, dahil sa pagkakaroon ng hindi malusog na mental health ang ginagawa ng iba ay sina-satisfy na lamang nila ang kanilang mga sarili through buying the things they want kahit na out of the budget na ito. Pwedeng maglead ito sa financial breakdown dahil hindi naba-balanse ng maayos ang pagbili ng mga needs and wants natin.
Kung iyong oobserbahan, mental health and financial stress can be interconnected. Kapag hindi maayos ang iyong mental health, magco-cause ito upang ikaw ay magkaroon ng financial stress, and kapag ikaw naman ay may financial burdens, mahihirapan kang mag-isip at kumilos. Not knowing how to deal with it ay magdudulot ng paglala ng iyong financial stress. Laging tandaan na mental health is as important as our physical health. Huwag mahiyang kumonsulta sa isang financial expert to start making financial plans kapag ikaw ay nags-struggle when it comes to financial management, at huwag rin magdalawang-isip na mag consult sa therapist para naman sa ikakabuti ng iyong mental health.