Sobrang high-tech na ng panahon natin ngayon at halos lahat ng bagay ay nagagawa na natin ng mabilisan dahil sa mga nagsusulputang modern technologies (paghihintay mo nalang ata sa forever mo ang matagal, joke lang!). Dahil sa mabilis na pag-usbong ng ating technology, napapadali ang mga activities natin at mas nakakagawa pa tayo ng iba’t-ibang bagay. Habang nagluluto ka, pwede ka nang mag-wash ng mga labahin gamit ang automatic washing machine mo. In an instant, with the use of smartphones, maaari mo ng makausap ang mga mahal mo sa buhay na malayo sa’yo. Maaari ka na rin magpadala ng pera ng walang hassle gamit ang iba’t-ibang E-wallet apps, payment centers at marami pang iba. Kayang-kaya mo na lahat yan ng mabilisan suki! Pagmo-move on nalang ata ang mahirap gawin ngayon. Hehe. Joke lang ulit!
Alam mo ba na you can send gifts effortlessly sa panahon natin ngayon? Kahit nasa bahay ka lang, or kahit nasan ka’man, oo, tama ka ng basa suki. Dahil nandyan na ang iba’t-ibang courier services at maraming online shop na halos 24/7 available to buy gifts and send it to your loved ones!
By choosing the best online shopping platform you like such as Shopee or Lazada na sikat na sikat sa Pinas ngayon, you can buy almost everything dahil napakaraming shops ang available sa mga e-commerce website na ‘to. Maraming platform pa ang accessible online ngayon at hindi lang sa Shopee or Lazada pwedeng mamili. Nariyan ang Marketplace ng Facebook at sandamakmak na Facebook pages at online shops. Maging sa Instagram ay may mga online shopping pages na rin ng mga brand or items na gusto mo. With these online shopping platforms, madali na lamang ang pumili at mamili ng gifts na gusto mong iregalo to your loved ones. But always check din kung legit ba ang page or shop before making any purchase and research some online shopping tips para din may idea ka when you do your purchases online.
Kapag nakapili na tayo ng gift to send to our loved ones, no worries kung papaano natin ito maipapadala dahil marami na rin courier services available online. Sa mismong Lazada and Shopee, may mga partner na courier service yan kaya no need to worry kung mapapadala ba natin or hindi dahil sila na ang bahala diyan. When it comes to online shopping pages naman through Facebook or Instagram, mapag-uusapan nyo naman ng seller kung papaano ang delivery process ng item/product na binili mo.
In terms of payment naman, the majority of online shops/stores offer online payment methods such as through your e-wallet or bank transfer method. Pagdating sa online payment, kasama natin diyan ang PalawanPay app, ang e-wallet na walang kuskos balungos pagdating sa pagcollect ng payment! Few clicks away kayang-kaya mo nang magtransfer or magsend ng iyong payment. Siguradong mawiwili ka sa paggamit ng PalawanPay app dahil sa napakadaling pera padala feature nito for your online payment method. Ang dali lang PALA suki, kaya tanungin na ang iyong online seller kung pwedeng magbayad wallet to wallet through PalawanPay at magdownload ka na rin ng PalawanPay app sa Google Play Store or IOS App Store.
Most online shops offer din naman ng cash on delivery or COD payment method ngunit kung ikaw ay nagreregalo for sure hindi mo ito gagamitin as your payment method, di’ba? Kung sa mismong receiver ng gift mo ipapadala ang regalo mo, make sure na bayad mo na ‘to online. Nakakahiya naman kung ipapabayad mo sa kanya, di’ba? Mukhang hindi na ata siya gift nun e. Hehe. Joke lang!