How to secure your mobile payment

Sa panahon ngayon uso na ang cashless transactions, mobile wallet, and mobile payment dahil mas madali, mas mabilis at mas accessible ito. Maaari mo itong magamit sa online shopping, food delivery, e-loading at maging sa pagbayad ng air fair. Maaari ding gamitin ang mobile payment sa mga physical stores, restaurants and even gasoline stations na nag a-accommodate nito.

Ngunit katulad ng physical transaction, kailangan parin nating maging maingat sa ating mobile payments using our e-wallet. Here are some tips upang tayo ay panatag and secure for our mobile payments.

1. Siguraduhing updated ang iyong mobile number na naka register sa iyong e-wallet account para sa two-factor authentication. Ang 2FA ay isang verification code na matatanggap mo sa iyong mobile number once na nag attempt ka ng transaction.

2. Huwag mag connect sa public wifi or bluetooth. Mas mapapadali ang pag access ng mga data thieves or hackers na makuha ang iyong mga information kung ikaw gumagamit ng public wifi. Kung ikaw ay gagamit ng mobile payment sa mga physical stores maaaring gumamit na lamang ng 4G or personal wifi connection instead sa kanilang provided wifi connection.

3. Palaging i-check ang iyong statement. Maging mapanuri sa iyong mga transactions, ang mobile wallet ay mayroong feature kung saan mata- track mo ang iyong mga transactions. When you used mobile payment magkakaroon ka ng records of the date, amount, name of reciever or sender of your transaction. Report mo sa customer service ng provider kung mayroong kang nakitang unusual charges.

4. Palaging i-lock ang phone. Gumamit ng password na hindi malalaman ng iba at i-set ang auto lock upang kahit makalimutan ay safe parin. Maaari ding lagyan ng password ang iyong mobile wallet, sa gayon ay magiging ligtas ang iyong pera at mga informations.

5. Hintaying magverify ang iyong transaction bago ulitin ito. Iwasang ulit ulitin ang isang transaction of mobile payment unless mayroong notification na ito ay hindi successful. Siguraduhing maayos ang iyong wifi connection dahil maaaring magkaroon ng glitch o system confusion at madoble ang iyong transaction.


Iba na ang sigurado at maingat para marami tayong pang shopping! Charr. Always keep in mind these reminders suki para mapanatili nating safe ang ating mga mobile payments and also to secure our e-wallets.