Mag-ingat! How to avoid online shopping scams

Online shopping can be fun lalo na’t kahit nasa bahay ka lang ngayon ay maaari ka nang magshopping gamit lamang ang iyong smart phone, tablet or laptop. Napaka convenient nga naman kung sa online ka na lamang bibili ng mga needs mo, may door-to-door delivery pa, hassle-free and time savy ika nga nila.

Pero ingat tayo mga suki, maraming online shopping scams ang naglilipana sa panahon ngayon lalo na’t hindi natin nakikita personally ang mga store/tao na pinagbibilhan natin ng items. Maraming fake seller na nagpapanggap na legitimate online seller para lamang mang-scam at manloko. Narito ang mga tips para sayo ka-suki on how to avoid online shopping scams.

 

Pag-aralan muna ang seller’s website, page, or online store

Better be safe than sorry, ika nga nila. Ugaliin nating mag-conduct ng initial research bago bumili sa isang online store, page, or website. You can do a deeper research about sa seller, check the online shop’s credentials, you may ask kung may mga proof or purchase sila, try din i-research kung sino may-ari ng shop, kung may legit physical store sila or marami ang buyer ng page, website or online store. Always check ang reviews or comments ng online shop kung legit ba or hindi. Malamang marami ang reklamo ang makikitang comment or feedbacks kung sakaling fake ang seller. Kung walang bad reviews or hindi naman kahina-hinala ang online shop ni seller, go tayo, pero kung hindi ka sure at you’re doubting pa rin, listen to your gut, the decision is still up to you ka-suki. Mas okay na ang nag-iingat kaysa magsisi tayo sa huli, tama di’ba?

 

Huwag na bumili if it looks too good to be true

Nakakawili nga naman mag online shopping kung sobrang mura at baba ng presyo kumpara sa original price ng item na gusto natin. Pero beware ka-suki, if it looks to good to be true, malamang scam yan! Maraming seller ang gumagamit ng mga popular items na hindi naman talaga iyon ang actual item kapag binili natin just to lure customers. Ingat sa ganitong setup dahil marami ang ganto ang strategy to boost their sales by selling so much cheaper items, pero in the end, you will just be disappointed dahil na-scam ka lang pala.

 

Always pay with secured means of payment

Madali na lamang ang mga payment method when you do online buying pero always protect your accounts ka-suki. If ever may credit card mode of payment si seller, better to use it dahil maari mo i-recover ang pera mo from your credit card issuer in case of fraud. Always check if the website is secured, the website is secured if it displays a padlock icon beside the website URL and if the URL begins with “https”. Iwasan din natin ka-suki ang direct money transfer sa seller kung hindi tayo sure sa legitimacy ng seller.

 

Always ask for proof of delivery

Once the transaction is done between you and the seller, always ask sa proof of delivery from the seller ka-suki and track the delivery status para may reference ka kung nasaan na ang iyong item. Mapapatunayan ng seller na legit siya kapag nagpakita siya ng picture na ready or out for delivery na ang iyong item na binili.

 

Naglilipana ang mga online shopping scammer mga ka-suki. Lagi tayong mag-iingat sa mga scammers and always consider these reminders to avoid being scammed online.