Privacy Notice

Maraming salamat sa pagtangkilik sa PALAWANPAY!

Ang PPS-PEPP Financial Services Corporation, bilang owner at nag-mamanage ng “PalawanPay”, ay committed na i-protect ang mga personal information na inyong sinusubmit, base na din sa Republic Act No. 10173 o ang “Data Privacy Act of 2012 (DPA)” at iba pang mga rules and regulations ng National Privacy Commission. Sa Notice na ito makikita ang manner of use, collection at processing na ginagawa ng PalawanPay sa inyong personal information, kasama ngunit hindi limitado sa, mga information mula sa aming partner-branches, PalawanPay website at mobile application, customer service hotlines, at mga social media platforms nito. Sa Notice na ito rin ineexplain ang mga steps upang maproteksyonan ang inyong personal data. Bukod pa dito, sa inyong pag-avail sa mga services ng PalawanPay, maaring makipag-cooperate ang PalawanPay sa mga third-parties, na kinakailangan ng pag-process ng inyong personal information.

Ano ang aming kinokolekta?

Ang type ng information na aming cino-collect ay base sa uri ng services na inyong ina-avail mula sa PalawanPay. Iilan dito ay ang mga sumusunod:
  1. Mula sa clients at users:
    1. Identity verification documents, tulad ng passport or driver’s license;
    2. Contact details, tulad ng inyong address, telephone o mobile number, o e-mail address
    3. Mga photos na sinu-submit ng clients at users upang i-verify ang kanilang identity, tulad ng facial recognition technologies na ginagamit ng PalawanPay
    4. User content, tulad ng information na binibigay ng client o user kapag ginagamit ang PalawanPay customer care support, pati sa mga ratings o reviews, o ang mga photos o recordings.
  1. Mula sa system ng PalawanPay sa mga transactions ng clients at users:
    1. Transaction data, tulad ng inyong pangalan at iba pang impormasyon tungkol sa client/user at sa ka-transact nito .
    2. Usage data, tulad ng interaksyon ng client/user sa PalawaPay, kagaya ng access times, in-app messages, type of browser, third-party sites o services used.
    3. Device data, tulad ng hardware models, device IP address at operating systems and versions, preferred languages, unique device identifiers, advertising identifiers, serial numbers at device motion data at mobile network data..
  1. Mula sa ibang sources:
    1. User feedback, tulad ng ratings, reviews, o compliments.
    2. Mula sa mga vendors na tumutulong sa pag-verify ng identity, background information, at eligibility to work ng client/user, para sa regulatory, safety, and security purposes.
    3. Marketing service providers.
    4. Information ukol sa mga claims or disputes.
    5. Iba pang personal data na maari naming kolektahin, nang may consent ng client/user o pinapayagan ng batas.
Maari din namin kolektahin ang inyong personal data mula sa iba pang sources, tulad ng inyong ka-transact, i.e., sa isang cash-out transaction, ang personal data na ibinibigay ng sender at receiver. Maaring i-combine ng PalawanPay ang personal data na nakuha at nakukuha nito sa iba’t ibang sources na hawak nito.

Browsing, Cookies, at Internet-Based Advertising

When you use our website, ang PalawanPay at ang aming third-party service providers ay maaring mag-collect ng standard technical information tungkol sa inyong device. Ito ay sa paraan ng pag-generate ng “cookie” sa inyong device. Ilan sa mga impormasyong kinukuha ng PalawanPay ay ang type of internet browser na ginagamit, ang Internet Protocol (“IP”) address, ang domain name, ang internet service provider, information na iyong hinihingi, location kung saan ginawa ang request, ang URL ng referrer (i.e., the URL of the website you were viewing prior to visiting ours), paano ka na-direct sa aming websites, ang mga pages na iyong inaccess sa aming websites, how long you view each page, pati ang oras at petsa na inaccess ang aming websites. Ginagamit namin ang data na ito para ma-improve, protect, at promote ang aming Application, para sa development ng aming Application, mai-personalize ang visitor’s experience, malaman kung paano ito ginagamit ng mga users/clients, pati na din para sa security and statistics purposes. Sa paggamit nito, ang consent ng client/user ay kukunin. Gayunpaman, ang Application ay magagamit regardless kung ang consent ay ibinigay. As part of our efforts to protect our clients from fraud, ginagamit din ang impormasyon na ito para mai-authenticate ang client/user, kung kinakailangan. Maaring mag-flash ang “Do Not Track” (“DNT”) signal sa iilang browser sa mga websites na inyong binibisita. Bilang walang common agreement kung paano ini-interpret ang DNT signals, ang PalawanPay ay walang aksyon ukol dito.

Consent

Sinisigurado ng PalawanPay na ang personal data na aming prinoroseso ay base sa iyong consent o kung may legal grounds para sa pagproseso nito. However, ang anumang disclosure na maaring ginawa sa pag-gamit ng PalawanPay ay katumbas ng inyong implied consent sa collection, processing, and use ng data na ito.

Maaari kang mag-opt out sa disclosure ng inyong personal information, ngunit ang Palawanpay App ay hindi magpapatuloy sa pagrehistro ng inyong account.

Kung kailangan ang inyong consent para sa isang specific use na hindi covered ng Notice na ito, hihingin naming ito sa takdang panahon. Kung ang personal data ng ibang individual ay matanggap namin, aming icoconfirm kung naibigay niya ang kanyang consent bago ibigay sa amin ang kanyang personal data. Hindi liable ang PalawanPay sa processing ng anumang transaction involving ang personal data ng ibang individual kung ang consent ay naibigay.

Maaring i-withdraw ang inyong consent sa kahit anong oras by reaching out sa aming contact details na nasa Notice na ito. Sa mga direct marketing communications, mayroon ding instructions kung paano ka mag-unsubscribe. Ipinapaalala ng PalawanPay na sa iyong pag-withdraw ng consent sa paggamit ng inyong personal data, maaring hindi na magamit ang inyong PalawanPay account.

Bakit ipino-process ang inyong personal data?

Kinokolekta at iprinoproseso ang inyong personal data upang mai-provide, maprotektahan, at mai-promote ang aming mga serbisyo. Specifically:
  • Para mai-process ang iyong transaction(s) tuwing ina-avail ang aming products at services
  • Upang maibigay ang best user experience sa aming mga products at services
  • Upang ma-address ang inyong inquiries at concerns
  • Upang maiwasan ang fraud, abuse, at ibang prohibited o illegal activities
  • Upang makapag-comply sa legal, regulatory, insurance, security, at processing requirements, including laws and regulations ukol sa aming mga produkto at serbisyo (e.g., anti-money laundering and know-your-client regulations of the Bangko Sentral ng Pilipinas, etc.)
  • Upang makapag-comply sa court orders at lawful investigations
  • Upang makapag-bigay kaalaman tungkol sa aming products, services, events, at other promos
  • Upang makagawa ng market research
  • Iba pang processing activities na required o permitted by law.

Kanino namin ibinibigay ang inyong personal data?

With your consent, or when required or permitted by law or court order, maaari naming i-disclose, i-share, or i-transfer ang inyong personal data sa aming trusted affiliates, agents, third-party service providers, at iba pang entities, such as:
  • Palawan Pawnshop Group (PPG) of companies, including, but not limited to, Eight Under Par (Pawnshop Operator), Inc., Palawan Pawnshop Inc., Paragua Pawnshop and Financial Services Inc., and VG Star Pawnshop & Jewelry Corporation
  • Third-party service providers na tumutulong na magpatakbo at ma-improve ang aming business, including the delivery or provision of our products and services
  • Organizations na tumutulong sa pag-process ng transactions, sa pag-validate o pag-verify ng customer information, at ma-prevent o ma-investigate iyong matters related to security, fraud, theft, or loss
  • Banks, financial institutions, at iba pang reference agencies
  • Companies with whom we have contractual or joint marketing arrangements para ma-perform ang marketing or business analysis, pati ang advertising services
  • Regulatory authorities at ibang concerned government agencies
  • Law enforcement authorities or the courts, galing sa kanilang lawful directives.

Access and Other Rights to Your Personal Data

Maaaring i-access ang inyong information gamit ang Request Account Info feature sa PalawanPay application (available under Settings > My Profile).

Maaari ring tawagan ang PalawanPay via Help Center sa inyong mobile app, or you may call our customer service hotline at 0919-058-0588

We will take reasonable steps to verify your identity bago ka bigyan ng access or bago payagan ang mga corrections dito.

Please do not send us confidential or sensitive personal information tulad ng passport numbers, government-issued identification numbers, o transaction codes via an unsecure email messages. Maaari niyong i-send ang data na ito via posted mail, na matatagpuan sa aming website. Do not be deceived by emails or phone calls na nagmumukhang nagmula sa PalawanPay at humihingi ng personal data. Hindi humihingi at hihingi ng information via SMS/text messages o calls ang PalawanPay. Kung makatatanggap ng mga calls, emails o ibang suspicious communications, maaaring i-report ang mga ito sa Customer Service Hotline or Help Center sa inyong PalawanPay mobile app.

We acknowledge that you have other rights in relation to your personal data, base sa Data Protection Act. Maaari niyo ding i-exercise ang mga rights na ito within the parameters set by the law by contacting us via our contact details below.

Kung gusto niyo i-manage, palitan, limitahan, or i-delete ang inyong information, maaring gawin ito gamit ang mga sumusunod na tools:

  • Services Settings. You can change your Services settings para i-manage at i-revise ang iilang information.
  • Changing Your Mobile Phone Number, Picture, And “About” Information. Kung papalitan ang inyong mobile phone number, kailangan i-update ito sa Application via the change number feature at i-transfer ang inyong account sa inyong bagong mobile phone number. Maaari ring palitan ang profile picture anumang oras at profile name and other information after upgrading your account to level 2.
  • Deleting Your PalawanPay Account. Maaaring i-delete ang inyong PalawanPay account at any time (including if you want to revoke your consent to our use of your information pursuant to applicable law) upon making a request to the Customer Service Hotline or via PalawanPay app Help Center. Sa pag-delete ng inyong PalawanPay account, hindi na maaaring makuha ang mga previous records and transactions. Once you submit the request, ang iyong account ay itatag ng aming system na “inactive” o “deactivated”. The data however shall be stored in our system until after a period of five (5) years or a period as required by pertinent laws.

Security, Confidentiality, and Data Retention

Ang PalawanPay ay nag-iimplement ng physical, technical, at organizational security measures base sa industry standards upang maprotektahan ang inyong personal data na nasa aming control at custody. We hold our affiliates and business partners to the same standards via appropriate data processing agreements. Nililimitahan din ng PalawanPay ang access sa personal information sa mga authorized persons at entities at para lamang sa purposes na nasasaad sa Notice na ito, kasama na rin ang iba pang compatible purposes. We also retain personal data kung kinakailangan, unless a longer retention period is required or permitted by law. Maaaring mag-request ang client/user ng deletion ng kanilang account o data sa anumang oras. Matapos ang isang request, ang iyong account ay itatag ng aming system na inactive o deactivated and your account information will have to be retained in our system for compliance sa legal or regulatory requirements, para sa safety, security, and fraud prevention, or dahil sa issue ng account, tulad ng outstanding credit o isang unresolved claim o dispute.  Ang destruction at disposal ng data ay ginagawa sa safe at secure na paraan.

Changes to this Policy

Para ma-ensure na ang Notice na ito ay compliant sa Data Privacy laws and regulations, ang Notice na ito ay maaaring magbago anumang oras. Revisions could be the result of new initiatives, mga pagbabago sa aming existing processes at activities, or new laws and policies na kailangan sundin. We highly encourage you to check this page from time to time para sa mga pagbabagong ito.

Contacting PALAWANPAY

Kung may mga katanungan ukol sa Privacy Notice na ito o sa data processing activities ng PalawanPay, you can contact us via the details below: PalawanPay Attn: Data Protection Officer Manila Regional Center 7263 J. Victor Street Pio del Pilar, Makati City 1230 Tel. No.: +63(2)478-5486 Head Office 170 Rizal Avenue, Brgy. Masikap, Puerto Princesa City, 53000 Tel. No.: +63(48) 433 8132 Maaari ding mag-send ng email sa dataprotection@palawanpay.com.

SUKI, i-PALAWANPAY MO NA!

Bukod sa Palawan Pawnshop – Palawan Express Pera Padala branches nationwide, maaari mo nang gawin kahit saan at kahit kailan ang mag-Pera Padala, Bills Payment, E-Load at iba pang transactions sa PalawanPay. Download na!

SUKI, i-PALAWANPAY MO NA!

Bukod sa Palawan Pawnshop – Palawan Express Pera Padala branches nationwide, maaari mo nang gawin kahit saan at kahit kailan ang mag-Pera Padala, Bills Payment, E-Load at iba pang transactions sa PalawanPay. Download na!