Nasa mall ka, nang biglang tumawag sa’yo si Nanay. Dumaan ka daw sa Supermarket at bumili ng kape, creamer, asukal, toyo, suka at kung ano-ano pa. Nagreklamo ka na wala kang dalang pera. Napagalitan ka pa tuloy, sinabi pa sa ‘yo ni Nanay “pa-mall-mall ka tapos wala kang pera!”. Paano na yan? Paano mo mabibili mga bilin ni Nanay? Kailangan na daw yun sa bahay, magagalit si Tatay kapag di siya nakapag-kape bukas. Nang may bigla kang naisip, may PalawanPay mobile wallet na nga pala kayo.
So, tinawagan mo ulit si Nanay, pina-pera padala mo gamit ang PalawanPay App ang mga pambili ng groceries. At ayun, natanggap mo na. Diretso ka na ng supermarket, kinuha mo lahat ng nasa listahan ni Nanay, siningit mo pa yung gusto mo. Oras na para magbayad. Pumila ka sa cashier, pinunch ng cashier ang mga pinamili mo, hala! Sumobra. Kung ano-ano kasi dinagdag mo, buti na lang maraming laman ang PalawanPay mobile wallet app mo. Magbabayad ka ngayon gamit ang Scan to Pay. Tignan nga natin kung paano ang Scan to Pay using PalawanPay App.
Ahh, ganun pala. Una i-iscan mo o ia-upload ang QR code ng receiver sa iyong photo gallery. Pagkatapos, i-eenter ang amount ng babayaran. Ayun, pipillin pala ang “Purpose” sa dropdown button. At i-click mo din ang “Next” at i-confirm ang mga detalye tulad ng receiver, amount at iba pa. Sure na sa mga detalye? I-click ang “Confirm”. Last na, i-enter ang Quick Pin at hintayin mo lang i-display ang transaction details o ang resibo mo.
Ganun lang pala yun? Ang galing! Pwede mo din gamitin yan sa mga restaurants at sa pagbabayad ng bills. Mas pinabilis at cashless na ang pagbabayad gamit ang Scan to Pay ng PalawanPay App!