It’s true na kung isa kang magulang, you want the best for your kids, di ba? Parents work hard para sa mga pangangailangan at para sa future ng mga anak nila. Nais din ng bawat magulang na maging maayos ang kinabukasan ng anak nila, lalo na kapag sila na ang adults. At isa sa mga pinaka-importanteng skills na kailangan sa pagiging adult ay ang finance management o ang tamang pag-budget ng pera. Kaya naman habang bata pa lamang ang ating mga anak, magandang ituro na sa kanila ang tamang pagba-budget ng pera at mga resources. Sabi nga nila, “it is good to start early”. Kaya eto ang ilan sa mga tips kung paano tuturuan sa pagba-budget ng kanilang pera ang mga bata.
Tip #1: Differentiate wants and needs
While they are still young, turuan silang malaman kung ano ang need nila at wants lang. Sanayin ang mga bata na ang mga needs sa pang-araw-araw ang dapat unahin na bilhin. Kung need ang isang bagay, kailangan oo ang sagot nila sa mga sumusunod na tanong na ito: Do you need it for your everyday life? Mahihirapan ka ba kung wala ang bagay na iyan? How often will you use it? What will you replace sa mga kailangan mo kung gusto mong bilhin yan? Your child must know kung ano ang ipa-prioritize niya. Kung want naman tulad ng laruan, you can tell them na pag-ipunan nila ang gustong bilhin, o hindi ito nakasama sa budget. Para sa murang edad, malaman nila na hindi lahat ng bagay na gusto nila ay kailangan. Pag-isipan muna ng mabuti bago bilhin.
Tip #2: Turuan silang mag-ipon
We all know that children have their little money ngayon, when they go to school binibigyan sila ng baong pera, every Pasko ay mayroon silang aginaldo, if birthday naman ay puwedeng may nag-regalo sa kanila ng pera, o minsan binibigyan sila ng kanilang lolo, lola, tito o tita. Teach them how to save money para sa mga gusto nilang bilhin, o para sa kanilang hinaharap. You can open a savings account for them para doon ilagay ang kanilang mga pera. Yes, maaari din na bigyan sila ng alkansya, the simplest way of saving. Think of some gimmicks at challenges para mahikayat silang mag-ipon. Like padamihan ng ipon sa isang taon at kung sino ang may pinakamaraming ipon ay may premyo. O ilista ang kanilang pinaka-gustong bilhin, maaaring sabihin na pag-ipunan ito at samahan silang bumili kapag nabuo na nila ito.
Tip #3. Create opportunities to earn money
Teach them to work hard for their money para pahalagahan nila ito. Example if this is pagbibigay sa kanila ng reward na pera kung may nagawa silang isang trabaho sa bahay. You’ve taught them the meaning of responsibility, malalaman pa nila na pinaghihirapan na kunin ang pera kaya kailangan nilang pahalagahan ito. During summer at walang pasok, you can help and encourage them to sell ice candy o samalamig sa mga kapitbahay. Ang tubo na makukuha dito ay maaari mong ibigay sa kanila para madagdag sa kanilang ipon.
Tip #4. Teach them to spend wisely
Hindi naman agad-agad ay matututo ang mga bata, kung may binili man sila na hindi nila magamit o nasayang ang pera nila, help them to reflect about their mistake sa paggasta ng kanilang pinaghirapang pera. There is always room for improvement ika nga.
Tip #5. Be an example
Show them and they will learn. Mas matututo sa matalinong paghawak ang mga bata kung mismong mga magulang nila ay nakikita nila na ganun din ang ginagawa. Include them when you’re making the budget, pagdedesisyon at iba pa. Show your child the importance ng pagtitipid at matalinong pagma-manage ng kanilang finances. Para kapag sila na ang sasabak sa buhay ay they will be wise handling their own money.