Top reasons why you should go cashless today

Marami ka bang pera? If “Yes” ang sagot mo, edi, sana all! Joke lang. Dito sa Pilipinas kung saan laganap pa din ang paggamit natin ng cash o mga pisikal na pera, tulad ng mga perang papel at barya, ay maaaring iilan pa lamang talaga ang nakakagawa ng  cashless payments.  Yung tipong lalabas sila ng bahay na wala nang dalang cash sa mga bags nila o sa wallet. Maaaring matagal pa bago natin maabot ang tinatawag nilang cashless society. Pero tignan muna natin ang ilan sa mga reasons kung bakit mas maganda kung cashless na.

 

1. For convenience.

Kung pinapraktis mo na ang isang cashless lifestyle, agree ka dito. Credit card o debit card lang ang kailangan mong dalhin kung lalabas ka. Sa panahon ngayon, kahit smartphone mo na lang dahil may mga e-wallet na. Hindi mo na kailangan magdala ng malaking wallet para paglagyan ng mga pera mo. Hindi mo na rin aalalahanin kung wala silang palit o panukli. Kung magbabayad ka, isang swipe lang o isang click lang yan. Exact amount pa ang mababawas sa account mo.

  1. It tracks your expenses.

Sa cashless payments, lahat yan may resibo, papel man yan o digital receipt. At siguradong hindi ka mag-o-overspend dahil kung magkano lang ang laman ng e-wallet account mo ay yun lang ang pwede mong gastusin. Kaya naman siguradong mababantayan mo ang mga lumalabas at pumapasok na pera sa iyo. Kung nagba-budget ka. Perfect sayo ito.

 

2. It secures your money.

Yes! Tama ang nabasa mo. Dahil lahat ng ginastos mo ay may receipt, malalaman mo kung magkano ang nababawas sa iyong account. At sa e-wallet, madali mo lang mache-check ang iyong balance. Siyempre, secured din ng Quick Pin at passwords ng account mo. Siguraduhin mo lang na huwag ipagsabi ang mga ito.

 

3. It’s hygienic.

Sa panahon ngayong kalat na kalat na ang virus at kung ano-anong mga sakit. Mas maganda kung hindi tayo hahawak ng kung ano-anong mga bagay mula sa labas. Isa na riyan ang pera, dahil sa kung saan-saan na nakakarating ang mga pera na nahahawakan natin, hindi maiiwasan na isa iyan sa mga pinakamaruming bagay sa mundo. Kaya naman kung cashless ka na, hindi mo na kailangan humawak ng pera dahil card o ang smartphone mo na lang ang kailangan mo sa pagbabayad.

 

4. It’s easy.

Kung nakukumbinsi ka ng magkaroon ng cashless lifestyle, easy lang. May smartphone ka? Oo diba? Mag-install ka na ng e-wallet sa smartphone mo, gumawa ng account at i-verify lang yan.

Isa pang magandang balita, ang Palawan Pawnshop – Palawan Express Pera Padala ay may e-wallet app na din. Iyan ang PalawanPay App. Kaya maa-achieve mo na ang cashless lifestyle with PalawanPay App