What is an Investment Scam And How to Get Rid of It?

Naka encounter kana ba ng too good to be true promises of big payouts, quick money, and guaranteed returns? Naku baka scam ‘yan! As an investor, we should be mindful of the different tactics and baka ma-scam ka at ang investments mo. Ang investment scam ay nangyayari whenever someone is tricking you to invest your money in stocks, bonds, notes, commodities, currency, real estate, etc.  Lalo na we are living in a digital world, madali nalang para sa mga scammer na mangloko ng mga tao to make an investment. Pero, don’t worry, andito ang mga tips you should take note of para hindi mabudol ng investment scam!

 

1. Verify muna, bago pumatol!

Before deciding to invest, make sure na i-verify ang license ng person na nag o-offer ng investment sayo. Other than that, make sure na registered ang investment plan na balak mong i-accept.

 

2. Huwag tamaring mag research!

It will not cost you too much para mag research sa kumpanya na balak mong magkabit ng investment. I-check kung reliable ba ito and see the other people’s experience to the company na balak mong mag-invest. Huwag lang mag rely sa sinasabi ng agent na kausap mo to make a decision, mainam din na mag research for the safety of your investment na rin.

 

3. Be cautious, don’t send money agad-agad!

Pag maganda ang offer, at mala out of this world ito, naku mag duda muna! Don’t send money right away. Don’t be impulsive, lalo na kung pera ang pinag uusapan. Make sure na humingi  muna ng financial advice bago mag-invest.

 

4. If nabiktima ka, wag magdalawang isip, report right away!

Ang investment ay nangangailangan ng malaki-laking pera to make it happen, and malaking kawalan sa atin ito pag scammer ang naka transact natin. If you happened to send money to an investment scam, you may contact Enforcement and Investor Protection Department through their email epd@sec.gov.ph or through their landline (02)8818-6337

 

Above are the tips na dapat na huwag mong kakalimutan! Protect your money, and know where to and where not to send money or invest. Always do research na rin sa mga investments worth keeping para hindi tayo basta-basta nalang pipili kung saan natin i-invest ang ating pera. Madali na lamang mangalap ng impormasyon ngayon suki kaya galingan natin sa pagre-research ha!